Dahil sa away sa TV
Anak, Minartilyo ng Ama

SUGATAN ANG isang anak sa Brgy. Alalasan, La Paz, Iloilo City matapos hatawin ng martilyo ng ama dahil lamang sa away sa pinapanood na palabas sa TV.

Lumalabas sa impormasyon na nakuha ng mga awtoridad, nanonood ng TV ang biktima na si Andrew Guario, 22, kasama ang ama na si Rodolfo Guario ngunit hindi sila nagkasundo sa channel na pinapanood.

Dahil dito, minartil-yo ni Rodolfo ang anak nang dalawang beses kaya nasugatan ang biktima sa ulo at noo at patuloy pang ginagamot sa pagamutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.