Dahil sa away sa lupa Konsehal sa Cam Sur, Inutas

BLANGKO PA rin ang mga kinauukulan kung sino ang responsable sa pamamaslang sa isang municipal councilor sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur.

Ayon kay S/Insp. Gilbert Remo, chief of police ng PNP-Sagñay, sinabi nito na away sa lupa ang pangunahing anggulong tinitingnan nila sa pagpatay kay Municipal Councilor Danilo Musca.

Nabatid kasi na nagmamay-ari ang naturang konsehal ng ilang ektarya ng lupa sa Barangay Kilumaon kung saan ito nanggaling bago naganap ang pananambang.

Una rito, pauwi na sana si Musca nang paputukan ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek.

Dead on the spot si Musca matapos magtamo ng walong tama ng bala sa ulo at katawan habang agad namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo.

Si Musca ay 18 taon nang nagsisilbing konsehal sa nasabing lugar at kilala umano bilang mabait at masipag na public servant. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.