Dahil sa away sa kuryente Karpintero, kinuyog ng mag-aama

ISANG KARPINTERO ANG namatay matapos itong pagtulungang bugbugin at saksakin ng mag-aama na nakaaway nito dahil lamang sa daraanan ng linya ng kur-yente sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ay nakilalang si Edmundo Cordero, 44-anyos, residente ng # 16 Interior H. Ignacio St., Brgy. Bagumbayan North ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na sina Mario Lopez, nasa hustong gulang, mga anak nitong sina Marlon at Alvin Lopez na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Joseph Provido, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 2:30 ng hapon malapit sa bahay ng biktima.

Ayon sa ulat ng pulisya, unang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng mga suspek nang padaanin ng mga huli ang linya ng kuryente sa bubu-ngan ng bahay ni Cordero.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito hanggang sa bugbugin ng mga suspek ang biktima at nang hindi pa makuntento ay halinhinan pa itong sinaksak.

Matapos ito, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa magkakahiwalay na direksyon habang isinugod naman sa nabanggit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.

(MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.