Dahil sa away ng kanilang mga ina Richard Gutierrez, pinersonal si Ynna Asistio?!

DUMATING NA pala si Dra. Vicki Belo nu’ng nakaraang Lunes ng umaga. Galing ito ng Amerika, at siyempre hindi nito kasama si Hayden Kho, Jr., dahil hindi naman daw totoong sumunod siya roon.

Kasama lang yata ni Vicki ang make-up artist niyang si Marife. Pero and nakakaloka, dumating daw ito sa arrival area na naka-wheelchair at nakatalukbong daw ang mukha.

May media kasing nakatunog na darating ito kaya nag-abang sila sa airport. Ayaw niyang magpa-interview o makunan man lang kaya nagtago ito, sa pamamagitan nang pagsakay sa wheelchair at tinakpan ang mukha.

Pero hindi pa rin nakaligtas sa media, nahalata pa ring siya ‘yun kaya nagtanggal na lang siya ng takip at napilitan itong magsalita.

Tipid lang naman ang sagot niya, pero kinumpirma nito na wala na nga sila ni Hayden, at mukhang tuluy-tuloy na ito.

Ewan ko lang, ha? Kung totoo na talaga ‘yan, pero nagsalita na itong ibinigay na raw niya lahat pero ganu’n pa rin, kaya natuto na raw siya, mabuting sarili na lang daw ang mamahalin niya.

Pero napapag-usapan na rin kasi na meron na raw ipinalit si Vicki kaya nakipaghiwalay na ito. Ang tsismis, ang yoga instructor daw niya ang ipinalit nito kay Hayden, kaya bongga rin ang Vicki, ha!

Hindi pa sinasagot ni Vicki ‘yan, pero malalaman din natin. May narinig na nga akong pangalan eh, pero mahirap na kasi hindi pa ito kumpirmado at hindi pa nahingan ng sagot si Vicki tungkol diyan.

Nabasa ko naman sa PEP kamakailan lang na nakita raw si Hayden sa isang building sa may Ortigas, kung saan naroon daw si Nancy Castiglione. Abangan na lang natin at lalabas din ang totoo d’yan!

Parang asiwa naman kasi na sa dami ng pinagdaanan ng relasyon nila, ‘yun lang pala ang kahahantungan. Meron pang kuwentong kasalan, tapos maghihiwalay rin pala at kung totoo man, nakahanap na rin pala ng kapalit. Bongga, ‘di ba?

 

ANG ISA pang lumalalang gulo ay itong away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Damay na ngayon ang mga anak nila.

Sinabi pa naman noon ni Annabelle na ayaw niyang madamay ang mga anak niya dahil ayaw lang niya ito kay Nadia, pero hindi na yata ganu’n ang nangyayari, dahil meron nang Richard Gutierrez vs. Ynna Asistio na drama.

Naging isyu kasi ‘yung nangyari sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo na isa sa mga guest hosts si Richard.

Tamang-tama naman, kay Richard napunta ang pag-introduce sa isang segment, kung saan isa si Ynna sa magpi-perform.

Tanging si Ynna lang ang hindi na-mention ni Richard kaya nabigyan ito ng malisya. May mga nag-tweet at ang una siyempre sa mga nag-react ay si Nadia.

Nagsalita ito sa hearing niya kinabukasan na hindi raw naging professional si Richard dahil trabaho lang naman ‘yun, bakit isinali pa ‘yun sa gulo nila.

Actually, mababang isyu lang iyan, pero siyempre napag-uusapan dahil may away ang mga nanay nila, kaya dagdag na gulo na naman.

Sabi ni Nadia at ng abogado nito, magpapadala raw sila ng complain sa GMA-7, dahil hindi raw naging professional si Richard at namersonal daw ito kay Ynna.

Galit na galit yata si Annabelle dahil pilit na pinalalaki raw ni Nadia ang mababaw na isyung iyan.

Hindi naman daw papatulan ni Richard ang intrigang ‘yan dahil starlet lang naman daw itong makakabangga niya.

Pero ayaw ring paawat ang Nadia, kung anu-ano ang itini-tweet laban kay Richard at sinasabi pa niyang tinext na naman daw siya ni Richard ng kung anu-ano.

Hay, naku! Sobrang gulo na! Paano kaya matatapos ‘yan?

May pananaw rin ako sa gulong ‘yan, pero ayoko na munang magkomento. Tingnan ko na lang muna sila na patuloy na nagsasabong!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

14 thoughts on “Dahil sa away ng kanilang mga ina Richard Gutierrez, pinersonal si Ynna Asistio?!

  1. retchard! tarantado talaga kayong mag-iina! mga walang modo! feeling mo pa mag drama ka na lang? e kaya nga pang fantasy ka kc wala kang talent gaya ng ina mo na bulesk ekek lang nung panahon niya. mas sisikat at papatok ka pa kung mag boldstar ka na rin! liligaya pa mga kabaklaan at mga kafatid ng kakambal mong kafatid din sa pananafalataya!

  2. i dont like annabelle pero if there’s a survey kung sino ang nagsasabi ng pawang katotohanan, i’ll with anabelle. si nadia eh halatang manggagamit at  walang kredibilidad. sana matapos na ang cheap nilang awayan, nakakawalang gana na..

  3. I second the motion, shebie !!! aanhin mo ang yaman, katanyagan at kagandahan, kung ang ugali naman ng pamilya ay AMOY-BURAK, hay naku mas may pinag-aralan pa ata ang mga tao sa Payatas kahit amoy-basura sila… hmppp !!! dapat dyan sa mga gutierrez na yan ay bigyan ng matinding leksyon, para matauhan sa kanilang kayabangan… ang nakakaawa dyan ay si Eddie Gutierrez dahil napakabait na tao yan, promise !!!

  4. wala talaga ka class class yang pamilya gutierrez halatang walang pinagaralan at di naturuan ng good manners and ryt conduct hehe db crazy4u hehe ganun kdin ba kups

  5. I dont like the gutierez clan but tama ka dyan joc927 about sa mga anak ni nadia,na hindi pang artista ang dating esp yan si Ynna,pwede si Ynna ang role kontrabida bagay na bagay sa kanya mukha,ewan ko opinion ko lang ha,,bakit ang lakas ng loob ni Ynna mag artista hindi naman maganda tapos parang napakasalbaheng bata,pero swerte din siya kasi nagayuma nya si mark herras na laos na din

  6. Hay naku manay, I’m sure you can’t tell something against the Gutierez family. Otherwise mauulit uli ang word war nyo before ni Annabel. But in this case, I side with Annabel. Walang nilokong tao si AG especially when it comes to money, unlike Nadia. If Nadia has the means to support her children, eh bakit nya pag aartistahin ang mga ito? In the first place hindi naman pang artistahin ang mga face ng mga anak nya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.