Dahil sa away-lupa Police Chief sa bayan sa Pangasinan at asawa, binaril; patay

DAGUPAN CITY – PATAY ang hepe ng pulisya ng bayan ng Bayambang, Pangasinan, at ang asawa nito, matapos na barilin ng mismong kapatid ng police official dahil sa iringan sa lupa noong Linggo, ayon sa pulisya.

Sa salaysay ni Superintendent Rolie Saltat, Alaminos police chief, nagtatalo ang biktimang si Supt. Lloyd Millan, 39, at kapatid nitong si brother Lyndon, 41, kaugnay sa isang lote sa Barangay Pandan sa Alaminos.

Ayon kay Saltat, nakikipag-usap sina Millan at asawa nitong si Cherryl kay Pandan barangay chairman Ricardo Legaspi at sa dalawa pang kagawad sa isang kubo malapit sa isang palaisdaan bandang alas-9 ng umaga nang dumating si Lyndon at pinagmumura ang kanyang kapatid.

Kasunod niyon, pinagbabaril ni Lyndon ang kanyang nakabataang kapatid gamit ang bitbit na M-16 armalite at isang kalibre .45 na baril sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sinubukang iligtas umano ni Cherryl ang kanyang asawa at humarang sa kanyang asawa subalit binaril din ito ni Lyndon.

Ayon kay Supt. Geraldo Roxas, Pangasinan police spokesman, nagawa pa umanong bunutin ni Millan ang kabnyang 9mm ba baril at nakapagpaputok pa sa kanyang kapatid subalit hindi ito nakatama. Doon na binunot ni Lyndon ang kanyang kalibre .45 saka tinapos si Millan.

Sinabi pa sa ulat na sa namatay si Millan at asawa nito habang dinadala sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos.

Hindi naman nasugatan si Legaspi at ang dalawang kagawad, ayon sa ulat.

Inalerto naman ng iba pang police station sa mga karatig bayan para mahuli si Lyndon na empleyado sa

Alaminos City Hall. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.