Dahil sa Away-Lupa, Bahay Sinilaban

SINUNOG NG isang lalaki ang bahay na pagmamay-ari ni Anita Salmorin, 94, sa Caragayan, Naga City.

Nagpapahinga umano ang mag-inang Anita at Bonoa Purisima at isang apo sa kanilang bahay nang magsisigaw ang isang lalaki na nakilalang si Jun Buena na may kasamang dalawang bata na nakilala sa mga pangalang Boyet at Jonathan.

Pinalayas umano ng mga biktima ang suspek nang nagbanta itong susunugin ang kanilang tahanan. Kumaripas ang mag-ina sa takot na baka totohanin ito. Pag-alis ng mga biktima agad binuhusan at sinilaban ang kanilang tahanan ng suspek.

Natupok ng apoy ang bahay ng biktima kung saan naabo pati ipon na P3,000 ng matanda.

Ayon sa mga awtoridad, away sa lupa ang pinagtatalunan ng mga ito. Patuloy ang imbestigasyon na ginagawa rito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.