Dahil sa away
BF, kinagat ang GF

NAUWI SA pangangagat ng boyfriend sa kanyang girlfriend ang away ng magkasintahan sa Tuguegarao City.

Dahil dito ay nagreklamo sa himpilan ng pulis  ang biktimang si Kristel Kaye Dingil, 20, estudyante at residente ng Tuao, Cagayan laban sa kanyang kasintahan na nakilalang si Philip June Agbayani, 21, binata at residente ng Brgy. Caggay sa nasabing lungsod.

Base sa pahayag ng biktima sa himpilan ng pulisya, sinabi nito na nagtungo siya sa boarding house ng kanyang boyfriend para isauli ang hiniram na cellphone.

Liban dito, balak na rin niyang makipaghiwalay sa karelasyon subalit nagalit umano ang kanyang boyfriend.

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nagresulta ng pangangagat umano ng kanyang boyfriend ng dalawang beses sa kanyang tiyan kung kaya’t nagtamo siya ng sugat.

Lumaban naman ang biktima sa pamamagitan ng pagsipa ng ilang beses sa kasintahan hanggang sa makawala siya mula sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya.

Samantala, nabatid naman na nasa implu-wensya umano ng nakalalasing na inumin ang binata nang maganap ang pagtatalo.

Sa ngayon, nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga kinauukulan kaugnay sa reklamo ng biktima laban sa kanyang nobyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.