Dahil sa Arnibal: Magtataho, Kritikal sa Kapwa Magtataho

KRITIKAL ANG magtataho matapos pagtatagain ng kapwa magtataho makaraan ang pagtatalo habang nag-iinuman nang ungkatin ng una ang inutang na arnibal ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga taga sa katawan si Rey Galang, 25 ng Tupda St., ng lungsod.

Nadakip naman si Felipe Virtudoso, 49 ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng gabi, nag-inuman ang biktima at suspek sa Taho Factory sa A. Mabini St. nang ungkatin ng una ang hiniram na arnibal na nagpapatamis sa taho ng suspek.

Nagkapikunan hanggang sa kumuha ng palakol ang suspek at pinagtataga ang biktima.

Dinala ang biktima sa PDMMMC habang nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.