Dahil sa alitan at demandahan kay Annabelle Rama
Ynna Asistio, apektado ang trabaho sa Siyete

SATURDAY NIGHT (actually, early morning na kami dumating ng Sunday) ay 21st birthday party ni Ynna Asistio na ginawa sa clubhouse ng isang bagong condominium property sa may Kyusi.

Actually, last Thursday, September 27 ang totoong birthday ng dalaga ng kaibigan naming si Nadia Montenegro at mister niyang former Caloocan City Mayor Boy Asistio.

As expected, kasama sa pag-eestima ng kanyang bisita ang boyfriend ni Ynna na si Mark Herras.

Almost five years na rin pala ang dalawa come January next year. Sa kabila ng mga aberya sa relasyon nila, happy si Ynna dahil ipinaglaban ng binata ang pagmamahalan nilang dalawa sa mga magulang ng dalaga.

Sa birthday niya, tila hindi maganda ang balitang natanggap ni Ynna dahil she will no longer be part of Kapuso Network’s Sunday musical, ang Party Pilipinas, dahil she informed us about the new ruling daw ito ngayon sa GMA Network dahil she is no longer being handled by GMA Artist Center.

Dahil sa alitan at demandahan nila ng dating manager na si Annabelle Rama, pati relasyon niya sa Artists Center ay naapektuhan.

Birthday wish ni Ynna: “Sana magkaayos na kami ni Tita Annabelle dahil both of us ay nahihirapan.”

At the party, spotted were Arjo Atayde (PMPC Nominee for Best New Male Performer for his remarkable portrayal in MMK’s Bangka episode); Marian Rivera, Kylie Padilla, Miko Palanca, Lovi Poe’s former boyfriend Ronald Singson, Mart Escudero, RR Enriquez na bitbit yata ‘yong boyfriend niyang basketbolista.

 

MUKHANG FAVORITE ng TV5 Artista Academy judges si Vin Abrenica na nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica.

Kung titingnan mo ang itsura ni Vin, I just wonder kung ano ang nakita ng mga judges (Wilma Galvante, Lorna Tolentino, Gelli de Belen at Direk Mac Alejandre) sa binata.

Kung itsura din lang naman, ‘di hamak na mas guwapo at charming si Kuya Aljur.

I personally like ang itsura ni Akihiro Blanco na mas charming on screen.

Tuloy, biro ng mga reporters na mga witness sa last Saturday show nila, pagsuutin mo lang ng fake leather jacket si Vin at mag-tight denim jeans, p’wede mo na siyang ihalo sa Formula 690 or Adonis Club ay iisipin mo na CB siya.

Kung pagbabasehan mo ang looks niya, napapakamot ako ng ulo at takang-taka kung bakit siya ang favorite ni Wilma Galvante at Direk MAC.

But in fairness, kahit papaano, may talent si Vin sa pagkanta.

Mana naman kasi sa ama niyang si Jojo na dating member ng bandang The Frictions na pumu-pwesto sa Gapo noong mid-late 80’s na kasabayan naman ng banda ni Arnel Pineda na Prysym Band and Amo na training ground niya bago siya napili para mapasali sa international band na Journey.

Kung sa bagay, if we’re talking of TV5 taste & standard of what a “star material” sa mga previous discoveries nila at sa mga artista na sinasabing contract artist nila; I don’t need to rationalized.

‘Yun na ‘yun!

 

CONGRATULATIONS TO young actor Arjo Atayde, actress Sylvia Sanchez and TV Host Divine Lee na nominated sa iba’t ibang category sa 26th PMPC Star Awards for Television come November 18.

More stories sa kanilang tatlo on my next column…
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

9 thoughts on “Dahil sa alitan at demandahan kay Annabelle Rama
Ynna Asistio, apektado ang trabaho sa Siyete

  1. U are right. Compared to other male aspirants of AA, layo nmn ng itsura. Ewan ko din but i have a feeling yang Vin na yan ang mananalo. Its very obvious eh. Maaring may talent cya but its not exceptional pra manalo. Big factor pa din ang itsura.  Sna yung akihiroblanco na lang ang manalo. Very cute nmn yung bata, may talent din. Yung itsurang yun ang pwedeng magpakilig tlga unlike sa fez nung Vin. Tama ang cnabi ni Lolit Solis, mukhang feelingero na ng hitad, very confident na ngayon pa lang unlike his bro. 

  2. Kung sa bagay, if we’re talking of TV5 taste & standard of what a “star material” sa mga previous discoveries nila at sa mga artista na sinasabing contract artist nila; I don’t need to rationalized.

    ‘Yun na ‘yun! ANGKAPAL NG MUKHA NITONG WRITER NA’TO! KUNG MAKALAIT MAY HITSURA! E ANG PANGIT MO KAYA!!! MAY MGA KARAPATAN ANG MGA SUMALI SA ARTISTA ACADEMY. BAKA KAININ MO YANG SINABI MO PAG SUMIKAT NA SILA! MORE THAN 2 YEARS PA LANG ANG TV5 KAYA SA ESTADO NILA NGAYON, NAKAKAGULAT NGA ANG NARATING NA NILA, E KUNG HINDI BA, E BAKIT NATATAKOT ANG GMA AT ABS NA MAUNGUSAN SILA NG TV5? ABER, MAGSALITA KA!!! GIVE TV5 MORE YEARS AT AARANGKADA NA YAN NG HUSTO!

  3. i think annabel is very sincere sa pagtakbo nya sa cebu and she really does love cebu! yes annabel is palanegkera at butangera but in all her battles shes not the one who took the first bite she is always being provoke and taunt sumasagot lang sya sa mga kumakanti sa kanya… aanhin mo ang isang sosyal na kandidato kung wala naman talagang ginagawa at wallflower lang sa politika??? atleast si annabel may vision at eager to serve and make a difference eh ikaw beth anung meron ka aside sa utak mong nasa talampakan??? or should i say ikaw ba yan chito alcid?? or amalia???? lol

  4. WAG NYO IBOTO ITONG BALAHURANG MAMASAN SA DARATING NA ELEKSIYON OH PLEASE WAG PAIRALIN ANG KATANGAHAN NYO MGA CEBUANOS. PAG YAN NANALONG CONGRESSWOMAN LAHAT KAYO DYAN WALA NG PAG ASANG MAIAHON PA KAYO SA KAHIRAPAN DAHIL SA KATANGAHAN NYO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.