Dahil sa 1st runner-up ang sinundan
Queneerich Rehman, pressured sa laban sa Miss World 2012

NAPI-PRESSURE DAW ang reigning Miss World Philippines na si Queneerich Rehman sa nalalapit na laban nito sa 62nd Miss World Pageant na gaganapin sa Ordos, Inner Mongolia, China sa August 18, 2012 at mapapanood nang live sa TV dahil na rin sa pagpuwesto last year ni Gwendoline Ruais bilang 1st runner-up, at kamuntik-muntikan nang maiuwi ang korona ng Miss World.

At kahit maikli lang ang magiging training ni Queneerich sa nalalapait na Miss World 2012, pipilitin daw nitong maiuwi ang mailap na korona ng Miss World, baon ang prayers ng kanyang pamilya, kaibigan at ng buong sambayanang Pilipino.

Isa sa mga kandidata ng Miss World na nakita na ni Queneerich sa Internet na magiging matindi niyang kalaban at ng iba pang  kandidata ay ang Miss Canada na ayon dito ay maganda.

At ngayong taon ay nagdagdag ng bagong award, ang Multi-Media Award, kung saan ang bawat kandidata ay magkakaroon ng bahagi sa Miss World website, www.missworld.com, kung saan puwede silang mag-upload ng video at pictures para sa kanilang mga supporters at ang kandidatang may magandang presentasyon ay magtatamo ng dagdag na puntos sa World Scoreboard.

Kailangang i-like din ang opisyal na facebook ni Queneerich sa www.facebook.com/msworldphilippines, dahil kapag nakakuha siya ng malaking puntos ng like ay magkakaroon na siya ng slot  sa semi-final.

 

HINDI NAPIGILANG maluha ni Zsa Zsa Padilla habang pinasasalamatan sa isang interview ang CEO/ President ng TV5 na si Mr. Manny Pangilinan dahil ito ang nagbayad ng lahat ng gastos ng Comedy King na si Dolphy sa hospital.

Ayaw na raw sana itong sabihin ni Zsa Zsa na marahil ay ayaw ipaalam ng mabait at matulungin na si Mr. Manny Pangilinan, pero hindi na ito nakapagpigil pa na sabihin para na rin pasalamatan ito sa tulong na ibinigay sa kanilang pamilya.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Zsa Zsa at ng kanilang buong pamil-ya ang tulong na ito ni Mr. Pangilinan habang sila’y nabubuhay. Dagdag pa ni Zsa Zsa, hindi nila alam kung papaano pasasalamatan ang buong sambayanang Pilipino na nagdasal during the time na nasa hospital pa ang Comedy King, hanggang ngayong yumao na ito at dagsa ang mga taong pumupunta sa Heritage Park, kung saan nakalagak ang labi ni Dolphy para masilayan ito.

Maraming bagay raw ang mami-miss ni Zsa Zsa kay Dolphy at isa rito ang sobrang maalaga ni Dolphy sa kanilang pamilya. Mami-miss niya rin daw ang paglabas-labas nila kasama ng kanyang pamilya para kumain sa labas dahil mahilig kumain ang nag-iisang Comedy King.

 

NAGSIMULA NANG gumiling ang ca-mera last Sunday July 15 para sa indie film na Mohammad Abdulla na pinagbibidahan ng tween star na si Teejay Marquez na ginanap sa Tanay. Excited daw ang batang actor dahil firts movie niya ang Mohammad Abdulla at bida pa siya.

“Sobrang excited po ako, kasi first movie ko at bida pa, sana magampanan ko nang buong husay ‘yung role na binigay sa akin para masuklian ko ‘yung tiwalang binigay sa akin ng producer ng pelikula namin.

“Masuwerte nga ako kasi binigyan kami ng ilang araw na acting workshop, kasama ko yung ibang cast ng ‘Mohammad Abdulla’ para magampanan namin nang tama ‘yung role namin dito.”

After Mohammad Abdulla ay susunod nitong gagawin ang dalawa pang indie film, ang Basement with Kristoffer Martin, Mona Louise Rey, Enzo Pineda, Chynna Ortaleza, Kevin Santos, atbp., at Menor De Edad na ididirehe naman ng A1 director na si Joel Lamangan.

 

BONGGA ANG beauty ni Jackie Rice dahil isa ito sa may pinakamalakas na benta ng FHM, kung saan siya ang cover ng month of July. Kaya naman nu’ng kanyang authograph signing, dumagsa talaga ang kalalakihan bitbit ang kanilang FHM para ipapirma kay Jackie Rice.

Kaya naman very thankfull ang GMA Artist Center sexy actress, dahil kung gaano raw kalakas ang naging suporta ng kanyang mga lalaki/babaeng fans sa kanyang first FHM cover two years ago, ganu’n din kalakas ang kanyang pagbabalik-cover girl ng FHM. Target nga raw ng FHM na ma-cover din si Jackie sa ibang bansa, kung saan may FHM katulad ng first niyang ma-cover ng FHM at naging cover girl din siya sa FHM Indonesia.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Dahil sa 1st runner-up ang sinundan
Queneerich Rehman, pressured sa laban sa Miss World 2012

  1. Sana makuha na ng Pinas ang koronang ito. Daming pumintas kay Gwendoline, pero hindi nila iniisip na being a runner-up is a very difficult achievement already, maski hindi pa nito nakuha ang actual korona. Sa pagpasok lang sa top 10 mahirap na nga yon, yon pang first runner-up nakuha mo na. Ang daming mas magagandang babae sa ibang nation, at nakuha ni Gwendoline yong first runner up. Congrats Gwendoline. Goodluck Queneerich…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.