Dahil sa ‘indefinite break’: Willie Revillame, malalaos na?

Hindi umubra ang kayabangan ni Willie Revillame sa Channel 2 dahil tatlong buwang freeze ang kanyang career. Dahil dito, hindi puwedeng mag-work si Willie sa anumang TV network, na ang ibig sabihin ay “papalipasin” ng Dos ang kasikatan ng aktor at kapag tuluyang nalaos na siya ay tsaka siya tuluyang bibitiwan.

Marami ang nanghihinayang kay Willie, pero ganu’n talaga. Dapat lang na pagdusahan niya ang ginawa niyang paghahamon sa kumpanyang matagal din niyang pinakinabangan.

Naghahanda na ang Dos sa bagong titulo na ipapalit nila sa Wowowee, kung saan ang usap usapan ay Vhong Navarro ang magho-host.

Samantala may karapatan naman pala si Vice Ganda na magalit kay Tado matapos “maliitin” nito ang mga gays. Hindi ako kumbinsido sa nakasulat sa T-shirt nito na hindi bale na lang magnakaw kesa sa mambakla.

Totoo, may kanya kanya tayong pananaw at ideology sa buhay, pero sa ginawa ni Tado, para bang mas higit na mas masama ang pumatol sa bakla kesa sa maging magnanakaw.

“Gusto ko lang sabihin sa Tado na ito na kung siya lang din ang lalaki na makaka-sex ko ay hindi baleng mag-Maryang Palad na lang ako,” sey ng aming kausap.
Hindi naman sa kinakampihan namin si Vice, dahil may problema rin sa pagkatao ngayon ng TV host. Kasi habang tumatagal ay palutang nang palutang ang kasamaan ng kanyang ugali. Nagiging mayabang na rin siyang tulad ni Willie Revillame. At least si Willie bago naging mayabang ay naging milyonaryo muna, hindi tulad niya na ngayon pa lang nagsisimula ang career ay nagpi-feeling sikat na. Tsuk!
BUONG PAGMAMALAKING SINABI ng aming source na mas “pinagpala” pala si Barbara Milano kesa kay Shalani Soledad, dahil ang dating sexy actress ay niyayang pakasalan ni Noynoy Aquino.

“Totoo! Niyaya talaga si Barbara, pero tutol ang family noon ni Noy kaya hindi na rin natuloy ‘yung relationship nila,” pahayag iyon ng aming source.
Samantala, malaki ang pagkakahawig nina Barbara at Shalani. Pareho silang may maamong mukha. “Actually, since nang maghiwalay sina Noynoy at Barbara, never na nag-boyfriend uli si Anabelle (palayaw ni Barbara sa mga taga-Talavera Nueva Ecija),” sey pa ng aming source.

Mula nang maghiwalay nga raw ng landas sina Noynoy at Barbara, hindi pa muling nagsalubong ang kanilang landas. Paano kaya kung magkita ang dalawa at mapagtanto nilang mahal pa rin nila ang isa’t isa? Paano na si Shalani?

FIRST TIME NA gagawin ni Cogie Domingo ang makipaglaplapan sa kapwa lalaki at gagawin niya ito sa pelikung Muli na kung saan ay sila ni Sid Lucero ang bida.

Ayon kay Cogie, siguro raw ay maiilang siya sa simula ng take. Pero dahil artista siya, dapat niyang isiping trabaho lang ang lahat. “Wala namang masama, basta work lang,” sey ni Cogie.

Ayon pa kay Cogie, marami raw gays ang lumalapit sa kanya noon hanggang ngayon, pero hindi daw sa pagmamalinis ay ayaw raw niyang makipagrelasyon sa isang gay, “Kaibigan lang siguro, hanggang du’n lang.”

Sa kabilang banda, hindi na bago kay Sid ang makipag-love scene sa kapwa lalaki dahil nagawa na niya ito sa ilang pelikula. “Alam ko naman sa sarili ko na lalaki ako at hindi ako gay, kaya wala akong dapat ikatakot sa ganitong mga eksena,” pahayag ni Sid sa presccon ng nasabing pelikula na produce ni Edgar Mangahas.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Dahil sa ‘indefinite break’: Willie Revillame, malalaos na?

  1. TAMA KA JANMORLY GAGO KASI SI WILLIE NAKINIG KAY PANGIT NA CRISTY FERMIN.NGAYON KAYA BANG IBIGAYNI CRISTY ANG 25 MILYON A MONTH MO.E WALANG NANONOOD SA CHANNEL 5.

      • ui willie revillame.. total madame ka namng pera.. pasurvey ka.. kung sino talaga may gusto at ayaw sau para mabawasan ung lintek na hangin sa ulo mo..

  2. well the bottom line is parehong masama ang pagnanakaw at pamamakla, parehong imoral at karima-rimarim na gawain, nakakasuka!

  3. to Curiouslangkami

    cge nga paki-esplika kung pano naging pabor sa mga bading ang praise na “di bale ng magnakaw wag lang mamakla”..

    as it looks, ikaw yata ang kelangang magresearch muna bago magsulat, vovo!!!

  4. Hindi mo ata naintindihan ang concept nang “mamakla”. Pabor and sinabi ni Tado sa mga bading. Mag research ka bago ka sumulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.