Dahil pera na ang pinagtatalunan
Paolo Contis at Lian Paz, malabo nang magkabalikan

AYAW NA akong pagsalitain ni Paolo Contis para sagutin ang mga sinabi ni Lian Paz sa Startalk nu’ng kamakalawa lang.

Ayaw na niyang gumulo lang ang mga pangyayari, kaya ayaw na rin niyang magsalita para patulan pa ito.

Ang sabi na lang ni Paolo, hindi siya magpapabaya ng suporta sa mga bata pero may mga aayusin lang siya na legal kasi mukhang madugo yata ang hinihingi ni Lian.

Kaya naman hindi niya nakikita ngayon ang mga anak niya.

Hindi yata alam ni Lian na may lumabas na mga litrato na kuha sa Enchanted Kingdom.

Parang dalawa lang sila nu’ng lalaki na may malisya ang dating dahil silang dalawa lang.

Enchanted Kingdom kasi ‘yun, sana kasama ang mga bata.

Pero tinitiyak ni Lian na hindi siya nai-involve kung kani-kanino kaya hinahamon niyang ilabas ito lahat.

Wala naman daw siyang itinatago at kailangang pang pagtakpan. Sa hirap daw nang pinagdaanan niya ngayon bakit pa raw siya maghahanap ng partner.

Tikom ang bibig ni Paolo tungkol diyan, pero siyempre may naririnig din siya. Ayaw na lang niyang magsalita, at kahit nga sa akin hindi niya sinasabi. Alam naman niyang idadaldal ko talaga.

Pero mas gusto na lang daw niyang manahimik na lang at ayusin ang problema nila ni Lian sa legal na paraan.

Hindi pa naman napapag-usapan diyan ang lumabas na isyung annulment dahil sa totoo lang, wala raw talagang may kumikilos sa kanilang dalawa.

Kaya nu’ng tinanong ako ni Wally Bayola sa Startalk kung tingin ko magkakabalikan pa ang dalawa, sinagot ko kaagad na malabo na dahil pera na ang pinagtatalunan.

Pero naloka si Wally nang ibinuking ko na may nakaraan pala sila ni Lian.

Hindi naman niya itinatanggi. Natulala lang siya at sinabi lang niyang na-trap daw sila.

Ewan ko kung  totoo ‘yun ha? Pero nakarating sa akin ang balitang ‘yun, na sobrang tagal na rin naman kaya huwag na lang kalkalin pa.

Kahit anong pilit ng Startalk na sagutin ‘yun ni Paolo, ayaw niya talaga.

 

MARAMI ANG pumuri sa performance ni Alfred Vargas sa Supremo na showing pa rin ngayon sa lahat na SM cinemas nationwide.

Maganda ang feedback kaya lang nataon na magsisimula na ang bakasyon ng mga estudyante.

Pero sana tulungan ito ng mga eskuwelahan dahil maganda siya at lalong makilala ng mga estudyante si Andres Bonifacio.

Masaya na si Alfred dahil natupad na rin ang pangarap niyang magampanan nang maayos si Andres Bonifacio na itinuturing niyang national hero niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

 

loading...

4 thoughts on “Dahil pera na ang pinagtatalunan
Paolo Contis at Lian Paz, malabo nang magkabalikan

  1. Pinagtatakpan pa ng manager ni Paolo na si lola Lolit si Paulo na lulong sa sugal at baon sa utang. Marami ng naibentang mga possessions niya para lang magka-pera. Rendahan mo na lang kaya yang alaga mo imbes na mag demolition job ka kay Lian at inabandona siya at ang mga anak nila ni Paulo.

    • Agree, ito kasing si Lolita, unfair sometimes, pini praise lang yong mga alaga niya palagi.  Tingnan mo sa isang article, ang ganda nang sinabi niya kay Jodi Sta Maria dahil ka close ito ngayon sa anak ni Bong Revilla na anak anakan ni Lolita. Nakakaluka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.