Dahil non-showbiz ang GF Vhong Navarro, mas masaya sa takbo ng lovelife

BAGO MAGTUNGO sa Los Angeles si Derek Ramsay ay nakausap siya ng Pinoy Parazzi. Itinanggi ng aktor ang balitang luma-bas na nakapagdesisyon na siya.

“No, wala pang final decision. Pinag-iisipan ko pa rin kung dapat akong lumipat or what,” sabi ni Derek habang kausap namin siya sa NAIA.

Ayon kay Derek, apat na araw siya sa LA para mag-judge ng isang beauty contest. “By Monday siguro, makakapag-desisyon na ako at kung anuman ‘yung desisyon ko,eh, pinag-isipan ko iyong mabuti,” sabi pa niya.

Sa kabilang banda, inamin ni Derek na hindi niya napigilan last week ang pag-iyak sa The Buzz, kung saan ang nagpabagsak daw ng kanyang luha ay hindi dahil naawa siya sa mga magulang na may sakit sa ngayon, kundi sa pagiging mabait ng mga ito sa kanya.

Aminado ang aktor na matapang siya sa lahat ng bagay. Matatag siya sa mga desisyon pero pagdating sa pamilya, iba na.

“Sobrang mahal ko ang aking family. Sobrang apektado ako sa family ko siguro dahil alam kong kailanman ay hindi nila ako pinabayaan.”

Sa kabuuan, sinabi ni Derek na sa ngayon ay ok na ang kundisyon ng kanyang ama at lalo na ang kanyang ina.

Tungkol naman sa pelikulang Corazon, Ang Unang As wang, sinabi ng binata na walang gulo sa pagitan nina Angelica Pa-nganiban at  Erich Gonzales.

“Siguro  kaya kami naintriga dahil noon magkasama kami ni Erich sa Magka-ribal, then after namin sa taping ay magkikita na naman kami sa shooting ng Corazon. Kaya halos araw-araw kami ang magkasama, kaya naisipan ng ibang tao na bigyan iyon ng kulay. Pero na clear-out na nina Angel at Erich na ok na sila at walang gulo sa pagitan nila,” pagwawakas ng hunk actor.

 

NAKAUSAP KO si Vhong Navarro sa NAIA at sinabi ng aktor na mas maganda ang takbo ng kanyang lovelife ngayon.

“Mas masaya, kasi mas discreet, hindi masyadong pinapansin ng mga tao. Unlike kung artista ang girlfriend mo, halos lahat, nakikita. Kaya hindi maiwasan ang iba’t ibang intriga,” panimula ni Vhong na panay ang ngiti sa amin.

Sa kabilang banda, itinanggi ni Vhong na nagparetoke siya ng mukha. Marami kasi ang nakapansin sa malaking pagbabago ng hitsura ng komedyante.

“No, hindi ako nagpaparetoke. Walang binabago sa mukhang ito. Ito pa rin ang pagmumukha ko,” at sinabayan ng halakhak ng aktor.

Ayon kay Vhong, kung magpaparetoke raw siya, dapat lahat ng parte ng kanyang mukha ay kailangang galawin. “Lahat parang mali, eh. Walang maayos. Kaya kung magpaparetoke ako, dapat lahat na. Para isang buhos na lang.”

Samantala, marami ang nakapansin na matagal na ring bakante si Vhong sa paggawa ng pelikula. “Ang huling movie na ginawa ko,eh, ‘yung Bulong. Matagal-tagal na rin. Sabi nga sa akin ng Star Cinema, this year ay may sisimulan ako. Pero kung hindi pa mangyayari, may project naman kaming gagawin ng manager ko na si Direk Chito Roño, kaya for sure this year ay may pelikula akong mapapanood ninyo.”

Tungkol naman sa It’s Showtime, mariing sinabi ni Vhong na hindi naman daw sila pressured ng mga kasamahan niya sa nasabing show.

“Institution na ang Eat Bulaga, hindi na natin puwedeng tapatan ‘yan. Basta kami sa Showtime, trabaho lang. I mean, masaya kaming lahat kaya napapansin siguro ng mga manonood na masaya ang Showtime, kaya marami rin ang tumatangkilik.”

Pinagtawanan lang ni Vhong ang isyung may lihim silang relasyon ni Anne Curtis. Imposibleng mangyari daw iyon dahil pareho sila ni Anne na masaya sa kani-kanilang partner.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Dahil non-showbiz ang GF Vhong Navarro, mas masaya sa takbo ng lovelife

  1. hay naku derek pag lumipat ka sa tv5, siguradong sigurado na sangkaterbang panlalait at pang aaway ang matitikman at syempre good bye na sayo bilang artista dahil unti unti ka nang mawawala o hindi makikilala! ang arte arte mong matanda ka, anong gusto mong palabasin? next week ka pa magdedesisyon para na rin sa promo ng movie mo? para pag umalis ka o hindi sa abs, makakatulong yun sa mga manonood ng film mo? mag isip ka ramsay! unang una, hindi ka pa kagalingan sa pag arte kaya mag stay ka pa sa abs, pangalawa, matanda ka na at ang abs lang ang mkapagpapasikat sayo dahil hindi pa stablished ang tv5, aside sa abs, gma7 lang naman ang mahigpit na kalaban ng abs at hindi ka naman siguro aalis dun kasi nagaalisan mga artists nila dun. so tandaan mo tandang ramsay, mawawalan ka ng mga fans pag lumipat ka sa tv5 at isipin mo maigi ang desisyon mo! magiging prime artist ka prin naman sa tv5,or pwedeng maging isa sa mga boss like sina willie at sharon, pero mawawalan naman ng kinang! hahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.