Dahil napaslang ang bise-alkalde Puwersa ng Mambusao PNP, sibak

PINALITAN ANG buong puwersa ng Mambusao PNP sa pamumuno ni Insp. Samuel Vipinosa makaraang mapaslang ang bise-alkalde ng nasabing bayan kamakailan.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Capiz Police Provincial Office upang manumbalik ang tiwala sa mga pulis ng mga mamamayan sa lugar.

Ayon kay CPPO provincial director Sr. Supt. Domingo Cabillan, marami siyang natanggap na mga mensaheng naglalahad na nawalan na ng tiwala ang mga mamamayan sa Mambusao Police at hindi sila makikipagtulungan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa pagkamatay ni Vice Mayor Abel Martinez noong May 4.

Siniguro ni Cabillan na ang 26 na personnel mula sa nasabing himpilan ay papalitan ng mga tauhang magmumula sa Capiz Police Provincial Office, Roxas City Police Station at Pontevedra PNP.

Napag-alamang si Senior Insp. Rowell Buccat ang ipinalit kay Vipinosa bilang bagong hepe ng Mambusao Police Station.

Si Martinez, 79 anyos at isang physician ay pinagbabaril sa kanyang tahanan sa Rizal Street sa nasabing bayan ng nag-iisang gunman.

Kinasuhan naman ng murder sa Department of Justice ang mga suspek na sina Geger Francisco at Sunday Danid gayundin ang anim na John Does at isang Peter Doe na umano’y mastermind sa pagpaslang sa bise-alkalde.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.