Dahil may pelikula Maja Salvador at Matteo Guidicelli, open na sa love affair

INAMIN NI Matteo Guidicelli na matagal na silang magka-relasyon nina Maja Salvador. Masasabing open secret ang kanilang relationship. Kahit hindi nila aminin noon, obvious naman na may something sa kanilang dalawa. Palibhasa may pelikula sila together, ang My Cactus Heart, kaya naging open sila sa kanilang love affair.

Naranasan ni Matteo ang nakasasakit, nakasusugat at nakatitinik na pag-ibig na para bang tinutusok ang kanyang puso. “Minsan may phobia tayo sa past. Sa ex-girlfriend, ex-boyfriend at sa pamilya natin. I believe, na kung mahirap mahalin ang isang babae, the only person who can love that girl is the strongest guy that’s really love the girl. Kahit masakit, sometimes normal lang ‘yun, ‘di ba? Kapag mahal ko ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa kanya,” aniya.

Ilang beses na ring na-experience ni Matteo ang magmahal at mahalin, pero parang nagka-phobia yata ang binata sa ngalan ng pag-ibig. “Mayroon, may mga relationship na nasaktan ako, ganu’n. Sometimes I’m always careful who I love. Minsan, hindi na ako nag-iisip, nagmahal na lang ako. I follow my heart first, then my head that’s why nagkaproblema tayo last year, Coco Martin. Pero ngayon, alam ko na, isip muna tapos ‘yung puso. Kapag mahal mo, ganu’n talaga ang love, ‘di ba?”

Masarap bang katrabaho ang tunay mong karelasyon? “I think, may challenge. Halimbawa, may kissing scene kami ni Maja, nahihiya talaga ako. Tumawa na lang ako kasi may mga tao sa paligid namin tapos may kamera. Parang nahiya talaga ako, after a while, sa tulong ni Direk Enrico Santos, okay naman ang kinalabasan ng kissing scene namin,” paliwanag ni Matteo. Ayon kay Direk, ang aktor pa raw ang kinikilig at nagsa-suggest sa kanya kung puwedeng take 2 ang kissing scene nila ni Maja sa My Cactus Heart.

Sa awayang Matteo at Coco dahil kay Maja. Anong lesson ang natutunan niya rito? “Kapag girlfriend mo at mahal mo talaga ‘yung tao, normal ‘yung naging reaction ko. “’Yung natutunan ko, kailangang isipin mo ‘yung gagawin mo, before you do it. Because your heart can do things you don’t want to do,” say niya.

Sa ngayon, wala na bang tinik sa relasyon ninyo ni Maja? “Sinasabi nila, there’s no such thing as perfect relationship. May mga bagay na hindi sila perfect, masarap, ‘di ba? Kapag araw-araw may kaunting challenge, kaunting tampu-tampuhan. Araw-araw may challenges kami, okay naman,” tugon niya.

Ano ‘yung katangian ni Maja na handa mo siyang ipaglaban? “Nakita ko talaga kay Maja kahit anong mangyari sa akin nandu’n siya para sa akin. Ako naman nand’yan para sa kanya.  Gagawin ko ang lahat, ipag-lalaban ko ‘yung love namin kahit may mga negative. Sometimes may mga negative na tao, hindi mo maiiwasan ‘yun. Basta mahal mo talaga ‘yung tao, lahat gagawin mo para sa kanya,” sabi ni Matteo

May balita na hindi raw type ng pamilya ni Matteo si Maja kaya nag-break ang dalawa na agad sinagot ng dalaga. “Noong umpisa ng relationship namin kasi ,parang ‘yung family niya takot na magkaroon si Matteo na showbiz na girlfriend. Hanggang nagdi-dinner kami with his family, ganu’n. Hanggang sa nakilala nila akong maigi.”

“’Yung Mama ko, lahat naman ng mga mama sobrang defensive. I’ve  guess, in the beginning defensive siya, kahit ‘yung mga ex-girlfriend ko. After awhile, I told her, you have to get to know Maja, the real Maja. Magharap kayo, mag-usap kayo, mga ganu’n. Tapos, nangyari ‘yun, nagpunta si Maja sa Cebu, dinner, dinner kami, nagkakilalanan sila. After awhile, ‘yun, okay na, everybody likes her. Sa totoo lang, Maja is misunderstood sometimes. Maja loves everybody else around her more than herself. Gagawin niya ang lahat, mga kaibigan, cousins and family. Gagawin ang lahat para sa kanila. Minsan nakakalimutan na niya ang sarili. Sometimes, sinasabi ko sa kanya, slow down, think about yourself. I always tell her, relax, love yourself more. She’s a loving person and very, very generous and sometimes some people misunderstand that, pero Maja loves everybody,” pahayag ni Matteo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Dahil may pelikula Maja Salvador at Matteo Guidicelli, open na sa love affair

  1. hay naku? bat binigyan ng movie itong si malandi na majarot ?talagang lalangawin lang itong movie????walang ka dating dating.huwag sana itong bigyan ng movie masasayang lang ginastos ng star cinema.ngayon palang maraming mga negative sa kanilang dalawa ni Matteo at kahit kailan hindi na sisikat ng husto si maja dahil bad influence siya sa ibang mga artista.inuuna pa niya ang mga lalaki kaysa career.napapansin ko rin dati mga fans ni kim chui gusto nila si maja dahil kuno  close friend daw? asan naba sila ngayon?maja maggagamit?

  2. parang waley lang naman ang movie nila. di matunog, walang kaingay ingay. parang yong movie na ginawa niya na thelma, nilangaw lang. ngayon pa lang alam ng flopssy na. ewan ko diyan kay maja ang tagal tagal na sa showbiz industry hanggang ngayon wala man lang ini angat ang career. mas mabilis pa ang pakikipag relasyon niya sa ibat ibang lalake kesa pag angat ng career niya. kong hindi pa naging kaibigan kuno ni kim chiu ewan ko lang kong mapapansin yan, ni hindi nga ma angat ang votes niyan noon sa mga poll. ngayon na lkang dahil sa tulong ng mga fans ni kim chiu. another manggangamit…at halatang ginagaya si kim.

  3. Open na sa love affair. Well, I’ve noticed na matagal ng OPEN si Maja sa mga love affairs and illicit affairs lol. Kaya pa niyang pagsabayin sina Coco at Matteo. Parang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain, yan ang catchline ng lovelife ni Maja! Please confirm, John Wayne, Carlo, Coco, Matteo, Jason, etc etc etc etc puwera LANG sa mga paminta ng dos!

  4. HETO NA NAMAN TAYO, MAY MOVIE NA NAMAN SI MAJA BLANCA THIS TIME WITH PANDAK HUNK MATTEO. NAKU NAMAN STARIRAY SINEMA HINDI NA BA KAYO NADALA? ANG KIKITA LANG SA MOVIE NA ITO AY MAPECON KASI ANG PAPASOK SA SINEHAN AY LAMOK, BANGAW, LANGAW, KULIGLIG, KULISAP, PESTE AT KUNA ANO-ANO PA AT KAILANGAN AY BOMBAHIN NG PESTICIDE………..HAHAHAHAHAHA………….ANO NGA PALA ANG TITLE? CACTUS JACK? PEKTUS BAK? ………FIRST DAY LAST DAY ITO AT BAKA NGA FIRST DAY HALF DAY PA……….CALLING ALL FLOPSTERS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!…………HAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.