Dahil matatangkad ang mga kapareha
Ella Cruz, kailangang laging naka-heels!

BLIND ITEM: Itsinika sa amin ng isang “ibon” na ang sikat na young actress ngayon ay nasa maselang kalagayan. As in buntis daw, courtesy of her boyfriend na hindi na namin sasabihin kung isang personalidad o isang non-showbiz guy. Basta hindi baog.

Hindi rin muna namin kayo bibigyan ng bonggang clue, dahil ayaw naming “makuryente” sa isyung ito. Siyempre, iniingatan din namin ang kanyang mga endorsements na me morality clause na wa muna dapat preggy habang may kontrata.

Ang tsika lang sa amin, ire-renew dapat ng isang company ang young actress bilang endorser ng kanilang produkto, pero natuwa na rin daw ang company dahil naging honest enough ang young actress na sabihin sa kanilang she cannot do it anymore because she is preggy.

Kung totoo man ito, at least, kahit sikat si aktres, wa siya care kung mawala man lahat ng kanyang karaketan, lalo na ang kanyang career, dahil gusto niya ‘yung nangyari na ‘yon sa kanya.

‘Yan ay kung totoo, ha?

Hintayin na lang natin kung true, ha?

Meanwhile, commercial break muna at panoorin natin ang kanyang alam n’yo na….

 

BLIND ITEM Pa: Nakakatawa ‘yung friend namin sa facebook. Ibinlaynd item niya bilang status niya ang isang young actor na nagpahatid sa kanya, dahil sobrang lasing na ito at hindi na kayang magmaneho.

Kaya ang ginawa ng bading friend namin ay ipinamaneho sa driver nito ang sasakyan ng young actor. Eh, nalokah ang bading dahil paglingon niya sa likod, me damit at sapatos ng babae.

Feeling daw niya, syota nitong young actress ang may-ari nito.

Pero ang da hayt, maya-maya, nag-text ang young actress at ang sabi, naiwan nito sa sasakyan ang kanyang mga gamit at babalikan na lang mamayang gabi at kung puwedeng doon na rin siya sa pad ng lalaki matulog.

Eh, ang bading, nag-one plus one equals two. So me relasyon talaga. At bakit naman makikitulog doon? Tulog lang ba ang gagawin nito o meron pa bago isagawa ang pagtulog?

‘Yun na.

Ang hindi talaga namin kinaya ay kumbakit kailangang itsismis sa fb ng aming friend ‘yung young actor? Dyowa niya kaya ito?

Hahahaha!

Hay, nako… kahit magunaw man ang mundo, hinding-hindi n’yo mahuhulaan kung sino ito. Hahahaha!

 

PUMASYAL KAMI sa Santacruzan episode ng “Aryana” nu’ng Lunes nang gabi at siyempre, pinapasok kami ni Mareng Pokwang sa kanyang pink bus na regalo ni Kris Aquino nu’ng manalo si P-Noy bilang Pangulo ng Pilipinas.

Pero siyempre, tsikahang umaatikabo. Natsika rin namin si Dom Roque, ang isa sa leading men ni Ella Cruz at nakakalokah, as usual, puro off the record. Hahaha!

Anyway, kami ay masugid na tagapanood ng teleseryeng ito, dahil feeling namin, para kaming bata o bumabalik sa pagkabata.

Hindi na namin itinanong pa kay Bianca Manalo kumba’t talaga sila naghiwalay ni John Prats. Baka isipin niya, tsismoso kami. Charot!

Inamin naman ni Aryana na kaya siya naghi-heels eh, dahil ang mga kasama niyang bagets ay matatangkad at kailangan niyang humabol sa height.

Pero si Aryana, feeling namin, sisikat ang batang ‘yan, dahil ka-fez din ni Sarah Geronimo, huh!

Pansin n’yo?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

6 thoughts on “Dahil matatangkad ang mga kapareha
Ella Cruz, kailangang laging naka-heels!

  1. BI number 2, Mundo man ay Magunaw. Si EJ Falcon ang young actor. Sino ang young actress na girlfriend ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.