DAHIL LULUBOG-LILITAW: Jessy Mendiola, babawi sa ‘The Girl in the Orange Dress’

Jessy Mendiola

MATAGAL-TAGAL din natin hindi napanood sa big screen at kahit sa telebisyon man lang ang mestizang actress na si Jessy Mendiola. Maliban kasi sa marami ang ‘tutol’ sa pagpili niya sa relasyon nila ni Luis Manzano (na habang tumatagal ay lalong bumobongga, in fairness!), naging isyu rin sa ibang tao ang biglang paglusog ng sexy actress. Ginu-groom kasi siya noon ng network as one of their sexy goddesses kaya big deal ito, ika nga.

Inamin ng dalaga na naisipan na rin niya na mag-quit ng tuluyan sa showbiz bago niya natanggap ang offer to do the lead role in the MMFF 2018 entry na ‘The Girl in the Orange Dress‘. Sa katunayan, nag-open up na ito sa kanyang boyfriend at aminado rin ito na tila nakaapekto nga ang kanilang pag-amin sa kanilang relasyon.

This time, mukhang si Jessy naman ang makakatanggap ng ‘suwerte’ sa MMFF dahil mala-Notting Hill ang vibe ng new movie niya with Jericho Rosales, na bentang-benta ngayon sa televiewers bilang Lino sa hit teleseryeng ‘Halik’. Matatandaan na sa MMFF din muli nabuhay ang movie career ni Jennylyn Mercado years ago at binansagan na makabagong ‘Romcom Queen ng Philippine Movies’.

Ang ‘The Girl in the Orange Dress’ ang unang mainstream movie ni Jessy na siya ang nag-iisang leading lady. Ito rin ang kanyang MMFF debut.

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival ay mapapanood agad si Jessy sa upcoming Regal Films venture entitled ‘Stranded’ where she will be paired naman with Arjo Atayde.

Well, mukhang bumabawi si Jessy ah! Ganyan lang naman ang life. May perfect timing ang lahat!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.