Dahil kay Robin Padilla: Mariel Rodriguez, mabilis naka-move on

UMIIWAS SI MARIEL Rodriguez na maging sentro ng usapan ang ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo. Wala na raw dapat pang pag-usapan, tapos na ang kanilang relasyon.

Hindi naman sinabi ng dalaga kung may closure na nga ang paghihiwalay nilang dalawa. Hindi pa rin malinaw kung ano talaga ang mabigat na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sinasabing si Zanjoe diumano ang nakipag-break kay Mariel. Hanggang ngayon daw, hindi pa rin nagkakausap nang masinsinan ang dating mag-dyowa. Dala-dala pa rin nila sa kanilang dibdib ang bigat na iniwan ng kanilang relasyon. Nag-iiwasan tuwing nagkakasalubong sa hallway ng ABS-CBN.

Kahit may kirot na iniwan si Zanjoe sa puso ni Mariel, mabilis itong naka-recover at naka-move on dahil raw kay Robin Padilla. Sinasabing si Bad Boy ngayon ang nagpapaligaya sa dalaga. Very vocal naman ang action star sa tunay niyang nararamdaman sa TV host. Kahit wala na sa Wowowee ang action star, tuloy pa rin ang communication nilang dalawa.

Sabi nga ni Binoe, “Sino ba naman ang hindi mabibighani sa gandang taglay ni Ms. Mariel? Bukod sa maganda na, napakabait pa kaya hindi malayong mahulog ang loob ko sa kanya,” makahulugang wika niya.

May tsikang dumalaw na raw si Robin sa bahay ni Mariel at diumano, nag-date na ang dalawa sa Eastwood. Friendly dinner lang daw ‘yun with friends, ayon sa aming source. Hindi natin alam kung sila nga nga. It’s to early to tell kung may romansa na ngang namumuo sa kanila. Siyempre, maingat ngayon ang dalaga bago uli pumasok sa isang relationship.

Kapag nagkataon, suwerte ni Mariel, ngayon lang uli iibig si Robin after a year of seperation with her wife Liezel Sicangco. Wala kaming nakikitang masama kung maging sila na. Pareho silang may karapatang maging masaya’t maligaya sa kanilang relationship na mayroon sila ngayon. Abangan…

TINOTOO NI KRIS Aquino ang pangako kay Pokwang na bibigyan niya ito ng sasakyan after the election. Bago lumipad patungong America ang Queen of All Media, pinadala na kay Pokie ang van na ipinangako. Malaki kasi ang naitulong ng komedyante sa kandidatura ng kanyang kapatid na si Noynoy Aquino na ngayon ay Presidente na.

Knowing Kristeta na very generous, kahit nga walang okasyon kapag naisipang magregalo, an expected gift ang matatanggap mo! Mahilig lang siyang magbigay sa mga taong gusto niyang regaluhan. Sorry ka na lang kung wiz ka niya type!

Marami tuloy ang nag-iisip kung nakuha lang si Pokie sa mga mamahaling regalong ibinibigay sa kanya ni Kris. Hindi na nga niya mabilang kung anu-anong regalo ang naibigay na sa kanya. Imbes na suportahan daw ni Pokwang si Manny Villar na ini-endorso ni Willie Revillame ay kay P-Noy siya sumuporta. Dapat daw inisip ng comedienne na malaki ang utang na loob niya sa TV host sa pagkakapasok sa Wowowee.

Palagi pang isinasama ni Willie si Pokie sa mga shows abroad. Nang dahil sa noontime show na ito, nakilala at sumikat ang comedienne sa buong mundo. Nakapagpundar ng sariling bahay at lupa, negosyo, nakabili ng mga sasakyan at rest house sa probinsiya. Hataw sa dami ng raket ang magaling na komedyante. Tuluy-tuloy ang blessing na natatanggap niya, rumaraket ngayon sa US.

Well, hindi natin hawak ang saloobin ni Pokwang. May sarili siyang dahilan at paniniwala kung bakit mas pinili niya si Kris kaysa kay Willie. Wala tayo sa posisyon para sabihing tama o mali ang naging desisyon ni Ms. Pokie, ‘di ba?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Dahil kay Robin Padilla: Mariel Rodriguez, mabilis naka-move on

  1. hehe pareho silang agressive sa sex no, kaya they deserved each other talaga, sino kaya mauna sa kanilang sumuko sa kangkangan? baka si robin kasi di makuntento sa iisang gurl.

  2. SUS NAMAN KAU GINAWA LANG YAN PARAUSAN NI ROBIN…HEHEHEHE PALIPAS GUTOM…
    TAMA YAN ROBIN BANAT…
    SO BE IT…YON NA MGA PARE INGGIT KAU KAY ROBIN.SANDALI LANG C KANYA ANG GURLS..

  3. OO. Tinutulungan nga ni willie si Pokwang at iba pa sa show. Pero MULA ULO HANGGANG PAA NAMAN KUNG MURAHIN SILA PAG MAINIT ANG ULO.

    Daig pa nila ang isang pulubi sa tingin ni Willie kung ipamata sa kanila na hindi kakain kung wala si Willie. Paano titingin ng utang na loob ang mga tao?

  4. “maingat ngayon ang dalaga bago uli pumasok sa isang relationship.”

    anu? maingat? hindi maingat kinakati nga eh, ang eng eng naman nang writer na ito, kung ikaw nakipag break papasok ka ba agad sa isang relasyon? ibig sabihin lang nun hindi siya natuwa sa 3 yr relationship nila ni zanjoe? kasi hindi siya dumaan sa healing process, kumambyo agad at pumasok sa isang relasyon.

    how landi she is. ewwwwwwwwwww

    • Ha ha ha ! Korek. She did a 360 degree turn in 24 hours. Na -in love kaagad kay Robin bago ini- announce na break na sila nang BF. My observation, kailangan ni Mariel nang ganitong gimik dahil limitado ang raket niya. Wowowee lang at E-live ang regular shows niya. Walang teleserye, walang movie dahil alam natin na FLOPSINA princess siya. She used Robin to be back in the limelight. PAREHOI SILANG NAGGAGAMITAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.