Dahil kay Piolo Pascual? Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lumalala ang tampuhan!

LUMALALA ANG SAMAAN ng loob sa pagitan nina Sharon Cuneta at KC Concepcion. Hindi malinaw ang dahilan kung bakit may gap ang mag-ina. Pero kung paniniwalaan ang tsika, ito ay may kinalaman kay Piolo Pascual.

Hindi naman daw tutol ang Megastar kay Piolo, kaya lang daw ay napahiya ang Megastar sa mga kaibigan dahil siya ang huling nakaalam na may relasyon na pala sina Piolo at KC.

“Ang sama kasi, may mga nag-i-interview kay Sharon tapos sinasabi niya, magkaibigan lang sina Piolo at KC. Kasi iyon ang pagkakaalam niya, wala siyang idea na mag-on na ang dalawa. ‘Di ba nakakasama ‘yun ng loob?” pahayag ng isang taong malapit sa Megastar.

Sa ngayon, hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong makapag-usap-usap sina KC, Piolo at Sharon, dahil abala ang aktres sa pagtatanggol sa asawang si Se-nator Kiko Pangilinan na ngayon ay “naiintriga” sa isyung pulitika.

Kung paniniwalaan ang balita, masama ang loob ni Sen. Tito Sen kay Kiko matapos na magbigay ito ng pahayag kaugnay sa nangyaring dayaan diumano sa eleksiyon.

 

SA CROWNE PLAZA, nakausap namin si Katrina Halili. Iwas man ang aktres, pero hindi umubra ang power niya, dahil presto nakorner namin siya. Sa kauna unahang pagkaka-taon, nakapagbigay ng kanyang saloobin si Katrina matapos na i-announce nina Hayden Kho at Vicki Belo ang nalalapit at pinaghahandaan nilang church wedding.

Sa maraming pagkakataon at sitwasyon, laging iwas si Katrina sa usaping pagpapakasal ni  Hayden. Kung ating  matatandaan naging isang malaking isyu noon ang sex video nina Hayden at Katrina na humantong sa korte at maging ang Senado ay binulabog na rin. Mula sa palitan noon ng linya, lumabas ang katotohanan na nagkaroon pala ng relasyon ang sexy actress at ang doctor na ngayon ay wala nang lisensiya.

Sabi ni Katrina, masaya raw siya para kina Hayden at Vicki. Pero walang bakas sa mukha ng dalaga na masaya siya dahil obvious na imbiyerna ang aktres hindi dahil sa pagkaka-korner namin sa kanya, kundi sa isyung kasalan nina Hayden at Vicki. May nagbulong kasi sa amin na hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Katrina ang kontrobersiyal na si Hayden.

“Ano ba ang dapat kong sabihin sa kanila, e, best wishes na lang, ‘di ba?” Sabi uli ni Katrina na iwas na iwas, “ayoko na, ayoko nang mag-comment.”

 

PERSONAL NAMING PINUNTAHAN si Ruffa Gutierrez sa kanilang bahay sa Dasmariñas. Inabutan namin ang dalaga habang kumakain ng snack.

“Actually, Morly, matagal nang issue ‘yang kay Yilmaz (Bektas, ex-husband niya) na iyan. Bago pa ako magpunta sa Paris, sinagot ko na ‘yan. At kung maaari, ayoko nang pag-usapan pa. Basta ang masasabi ko lang, kuntento at masaya ako sa aking buhay.”

Sabi ni Ruffa, ayaw na raw niyang pag-usapan pa ang mga bagay na posibleng makapagbigay sa kanya ng gatla sa mukha, dahil mas gusto raw niyang fresh ang beauty niya.

“Kung anuman ang napag-usapan namin ni Yilmaz, ayoko nang i-share. Basta masaya at kuntento ako sa buhay ko, lalo pa at magkakaroon ako ng charity bazaar this coming September, at lahat ng mapapagbilhan ng mga old dress at accessories ko ay mapupuntang lahat du’n sa tatlong benificiaries ko.”

Ayon kay Ruffa, nagsisimula na niyang tipunin ang mga gamit na hindi na niya masyadong kailangan. “Magaan sa dibdib ‘yung alam mong may natutulungan ka, ‘di ba?”

Sa kabilang banda, itinanggi ni Ruffa ang balitang babalik na siya sa Channel 2. Pumutok kasi ang balitang babalik siya sa Dos matapos na makipagkita siya noon sa driver na nakakuha ng mamahalin niyang sapatos. “Lahat ng mga naglalabasang balita ay hindi totoo. Hindi totoong lilipat ako sa Channel 7, at lalong hindi rin ako babalik sa Dos. Kasi paanong mangyayari iyon, may three years contract ako sa Channel 5, ‘di ba?”

Pero kahit nakakontrata si Ruffa sa TV5, okey lang daw na tumanggap ng proyekto ang dating Beauty Queen. “Basta ang usapan namin ay magpapaalam lang ako, tsaka hindi makakatapat ng show ko rito sa TV5, kung anuman ‘yung show na tatanggapin ko.”

More Luck
by Morly Alinio

loading...

23 thoughts on “Dahil kay Piolo Pascual? Mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, lumalala ang tampuhan!

  1. eh! bading nmn talag yang c piolo eh!!! kahit sino pa ang magiging gf niya, kung ang puso nya ay ky yul servo lng,, na isang lalaki at hindi babae ah wl talagang magagawa ang girl di ba! ako pa sa kanya umamin na cya.. hindi na cya bumabata.. tingnan mo c rustom.. masaya na cya ngayon..

  2. Dapat ma realize ni kc na kung ano man mayroon sya ngayong karangyaan sa buhay at kasikatan, LAHAT yun dahil kay Sharon. That’s reality. Kaya kung mayroon syang dapat pakinggan si Sharon yun. Pag sa iba na sya nakinig, then that’s her downfall.

  3. haha! agree ako syo @martygirl parang binaliktad nila hindi ba nila alam mas sikat at mayaman c piolo kesa k richard khit ibalik pa ni kristina ang loveteam nila ni richard i think hindi nrin ito mag kle click kasi tumamlay na nga career ni richard ktulad nung my valentines girl at sa primetime nman yong captain barbel mga flopyshina hehehe!

  4. Ang mga kchardees nagiilusyon pa ….gusto nila uli buhayin loveteam ni kc at richard dahil wala nang career si richard. Sinisisi pa nila si pilo kesyo si piolo ang dahilan tumamlay ang career ni kc. Hello?! si richard ang tumamlay ang career kya gusto nila uli pareha kay kc para bumango uli ang career.  

  5. nag didiwang na nman ang mga KC/SAM and KC/ Richard FANS d2 pwede ba mag sibalikan muna kyo sa mga longga ninyo! SHUPIIII!!!! wag nyo ng pangarapin pa na magiging sila ng mga idol nyo kasi masaya na c kristina kay papa P kya ma kuntinto nlng kyo dun! kung sa movie nman hintayin nyo na mag ka movie ulit cla sa mga idol nyo! hndi kung ano ano ang pinag sasabi ninyo mga kaghit kyo!!! super busy ang career ng mama kace nmin hindi tulad ng iba nka blockbuster nga sa unang pagkakataon pero hindi na ulit nakikita hahahaha! c KC every day, every hours mong makikita at sa ASAP, the BUZZ, COMMERCIALS,CONCERT ABROAD yong iba nasaan? ?? bihira nlng makita…. and take note super sweet nila ni papa P and love na love nila ang isat isa khit marami paman na bumatikus sa relasyon nila.

  6. cge mama sharon pagalitan mo pa ng pagalitan anak mo kasi nman lalong tumigas ang ulo ngayung cla na ng bf nya hindi kana sinusunod! matigas na tlga ang ulo ng KC na yan! @valentina pangalan mo plng ahas na! saan kba tlga k piola o kay SAM? ikaw ha! tag dalawa dalawa ka ng gusto! ahas ka nga ng mga idol mo! ahahaha! hindi mo ba alam makakabangon lng sa career c KC pag e partner cla ulit ni richard tulad noon! kya ikaw dyn ang wag umepal ugali mong bulok! kung hndi sana sinagot ni KC c piolo sana cla na ngyun ni papa richard sana hinintay nlng ni KC sa pagkadapa at nag sabi nga noon c papa richard c KC daw yong klasing housewife material ibig sbihin yong seniseryuso at hindi sinasaktan hehehe! haaaaaaaay!!!! calling calling regal films and star cinema please! MOVIE FOR KC AND RICHARD IN 2012 PLEASE!!!!!!!!!!! pagbigyan nyo kami sa blockbuster hit tandem ng dalawa! piola ayaw lng tlga syo ni mama sharon at daddy kiko and that’s it!!!!! kuha mo?!!!!

  7. MARIA SI BICOL EXPRESS HUWAG MO NG PATULAN BAYARAN IYAN NI RUFFA KAHIT SA YOU TUBE UMIIKSENA IYAN.MGA VIDEOS NI RUFFA SA YOU TUBE IISA LANG ANG NAG POST AT IISA LANG TAO ANG NAGLALAGAY NG POSITIVE VIEWS. PERO IBA IBA ANG ACCOUNT PAG NEGATIVE INAALIS AGAD GIMIKERA TALAGA SI RUFFA BUKO NAMAN MAKUSENSIYA KA SA KASINUNGALINGAN MO AT MAKE SURE SA CHARITY MO IBIBIGAY ANG PERA HINDI SA NANAY MO O SA SAPATOS RUFFA

  8. MOLLIE ANG GANDA MO SA PROGRAM MO SA RH SANA 2 HOURS NA PROGRAMA MO AT NI TITA SWARDING CALLING CALLING RH.GAWIN NG 2 HOURS KAYA NGA TOP RATED

  9. Janaliyn, baka naman si Alfie Lorenzo ang nagkakalat. Malaki ang galit niya kay Piolo.

  10. inaamin ko i like SAM for KC as a bf kasi halos parihas ang hilig nila at parang mas masaya c KC pag kasama c SAM maingay silang pariho hahaha!…. kasi pag c piolo nman dahil matanda na nga ito parng me kunti na na boring c KC pag ksama nya bf nya pero kunti lng nman lol! pero kung pag pipilitan nila c richard g. na babaero at hndi makontinto sa babae na napakabilis mag palit…mas gugustuhin ko nalng c piolo for KC hahaha! cguro nag isip isip na cguro c mama mega na mag laylo muna c KC kay PJ at magkaroon ulit ang chance na pag usapan c richard for KC hahaha! wag sana kayong magalit sakin mga krespiberks nag sasabi lng po ako sa opinyon ko besides thinking ko lng po yun hehehe

  11. Please lang…tama na ang interview kay Katrina tungkol kay Hayden..let the girl move on! Pilit ninyo hinahatak pababa ulit eh.

  12. tama ka janalyn marami kasing umi epal lalo na yung mga kchadees kisyu c piolo daw ang dahilan kung bakit bumaba ang cerrer ni KC dhil hinatak din ito pababa. nung cla pa daw ni richard puro blocbuster dw yong movie which totoo nman pero mula nung cla na daw ni piolo wala na… sana hindi maging dahilan c mega para magka problima ang relasyon nila KC/PJ

  13. to continue lang sa comment ko po… baka nman ang source na “close friend” kuno ng mega na ngtsitsismis e yung dating epal na manager ni kc? huh? ma epal kasi yun at maka richard o kampon ng gutierez fam yata yun kaya pati si piolo sinasali sa ka negahan nya hahha  loser siyang manager!

  14. i dont think si piolo ang reason if ever nagkatampuhan ang mag-inang kc & sharon ang babaw nman dahil everybody knows how open & honest pj has been to sharon with regard to kc & everybody knows also how mega loves piolo, maybe its something else & besides normal lang yang tampuhan bet. mag-ina o sa family so no big deal :)

  15. @Bicol Express, I meant the past issues, go back to the past issues here and you can see what i meant and go back to the past issues sa pep.com as well kung nagbulagbulagan ka lang. You may think that i did not study math but i have a fine life in the US, and because i use my brain to come here and marry an american, i was able to send my brother (now a Doctor) and my sisters (now a Nurse, a Chemical Engineer and a Doctor) and I am sending also our neighbor kids to school which some of them have already finished (3 more to go before they are done and we can relax). Now Bicol Express, if this is what you call me GAGO AND BOBO, then you are right!!!! Exactly Right for sure!!!!!! I’d rather be Gago and Bobo and have this kind of life and able to help others than to be intelligent and have done nothing. When I came to the US I was very poor in the Philippines with just 3 English words that I knew. I guess I can say I’ve come a long way now, my English is still not as good as it should be but it is far way better than before, so all I could say is keep dreaming and keep believing in yourself and be a hard worker, so that we can reach our dreams and if we have a good job, there’s less mouth to feed for our government in the Philippines to worry about and we can help pull our economy up and not just leave it up for the administration to do the job, people will have to do their job as well. And one very important thing i learned about my climb in life is never get affected by people calling you names if you know you are not that. Thanks to my american husband by the way for giving me a fine life for 26 years now, still happily married and having a fine life, how about you Bicol Express? Do you have a fine life like mine? Hopefully so!!!! So you will not one of those na pinakain lang sa ating goberno at pabigat lang sa ating economy.

  16. Hoy Maria, gago ka ba?anong 98% ng comment tungkol kay ruffa? nag aral kb ng math? ikaw lng ang nag comment dun sa issue. bwahahaha! Bobo!

  17. hindi nman siguro yan ang dahilan kung bkit may gap yun mg ina sahron and kc… sinabi kaya ni piolo sa interview na simula pa lng alam na ni sharon ang relasyon nila…kaya malabo yan issue na yan huwag niyo ng idamay si piolo sa issue mdmi tlga gusto sumira sa 2 pero hindi nagttagumpay dahil matatag si pj & kc…be happy na lng sa dalawa ok

  18. ay naku…mapapel lang talaga yang si Mr. Noted Pangilinan, wala naman nagagawa sa senado yan..He’s nobody..pag wala si Mega he’s nothing. If he talk, he talk like a hero kasi alam nya meron syang pader na masasandalan.. Without Sharon he’s nothing. Senator Sotto has a point THE EVIDENCE OF THE ELECTION RETURNS..eh kung wala naman talagang tinatago bakit ayaw pabuksan kahit sample ng ER. cge nga Mr. Noted. Wag magmalinis Mr, Noted, wala ka namang nagagawa sa Senado

  19. Dapat lang naman Ruffa na hindi mo na kailangan i share pa ang mga baho nyo ni Yilmaz, think of your children na lang para naman respetuhin ka sa mga tao. Dapat noon mo pa yon ginawa from the start, you should have zipped your mouth in the first place. Tingnan mo tuloy ang nangyayari, 98% sa mga comments dito are against sa yo kasi para tuloy lumabas na gimikira ka at gustong mag-ingay para lang mapag-usapan lalo na ngayon na nagkaedad ka na. Think of your children, ang mga away sa magulang doon din yon papunta sa mga kawawang mga anak nyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.