Dahil kay Pablo
Higit 300 Mangingisda sa GenSan, Nawawala

UMABOT NA sa 310 mangingisda mula sa General Santos City ang nawawala pa rin bunsod ng pananalasa ng Bagyong Pablo.

Dumulog na sa tanggapan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pantalan sa GenSan ang ilang grupo ng mga maybahay matapos hindi na umano makontak ang kanilang mga asawang pumalaot noong Disyembre 4.

Nagbaka-sakali silang baka may ulat na ang PCG sa kanilang mga mister na pawang trabahador ng anim na fishing company sa GenSan. Ngunit idineklara pa rin ng PCG na missing ang mga ito.

Giit ng PCG, malayo pa lamang ang bagyo ay nag-abiso na sila sa panganib ng mga along dala ng bagyo.

Dapat anilang may mapanagot sa nangyaring pagkawala ng mga mangingisda.

Patuloy naman ang search and rescue operation sa mga nawawalang mangingisda.

Magpapatawag naman ng marine board of inquiry ang PCG para pagpaliwanagin ang mga fishing company kung bakit daan-daang mangingisda ang nawawala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

2 thoughts on “Dahil kay Pablo
Higit 300 Mangingisda sa GenSan, Nawawala

Leave a Reply

Your email address will not be published.