DAHIL KAY MIGUEL? Bianca Umali at Kyline Alcantara, may rivalry dahil lang sa lalaki?!

Kyline Alcantara at Bianca Umali

KUNG KAILAN naman natapos ang surprise hit ng GMA-7 na Kambal Karibal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara, saka naman lumabas ang balita na naging totoo na ang rivalry sa pagitan ng dalawang magagandang artista. Ang rason? Dahil kay Miguel Tanfelix.

Bago nagtapos ang palabas ay may mga cryptic tweets si Bianca Umali na may snake emoji and sounds. May mga nagsasabi na pinagselosan diumano nito si Kyline dahil may mga eksena sila ni Miguel sa palabas na super sweet at kahit behind the camera raw ay umaapaw ang kanilang chemistry.

Meron din kaming nasagap na hindi talaga si Kyline ang babaeng involved pero isa rin contract star sa GMA.

Dahil siguro sa believable fight scenes nila sa programa ay inassume na ng iba na si Kyline talaga ang dahilan kung bakit naghiwalay na in real life couple na sina Miguel at Bianca o BiGuel.

Three weeks na nang namaalam sa ere ang palabas, pero patuloy pa rin ang pang-iintriga sa dalawa. Ang latest ay may mga fans diumano si Bianca na lumipad ng Iloilo from Manila para lang i-boo si Kyline while she’s singing onstage. Hindi napigilan ng talented actress na maluha at nakiusap sa kanyang mga fans na huwag gagayahin ang ibang fan groups na nambabastos.

Bianca Umali and Kyline Alcantara

Ang latest ay itinanggi diumano ng fans ni Bianca na sila ang salarin sa kaganapan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpopost ng pakiusap si Bianca sa mga fans niya na tumigil na sana sa negativity.

Bakit nga ba hindi niya pinipigilan ang mga fans niya? At si Miguel, why don’t you man up and speak up? Be a man!

Related Post

loading...

3 thoughts on “DAHIL KAY MIGUEL? Bianca Umali at Kyline Alcantara, may rivalry dahil lang sa lalaki?!

  1. Eeeeeeeeeeeeeeew ang chaka naman ni Miguel para pag-agawan ng dalawang babae! Hindi naman gwapo! Buti sana kung Piolo Pascual ang level

    • Pauline Mendoza is good actress, good daughter, good dancer, good singer and good host. she was 18 years and does solo host on her intimate press and media interview with 11 columnists, editors and photographers, free give away emperador wine and free good lunch , dessert and drinks at sm.north edsa on August 23 2018.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.