Dahil kay Krissa Mae Arrieta: JayR, gumawa ng eksena sa GMA Artist Center! – Archie de Calma

MASYADO raw nagiging emosyonal si JayR kapag ang girlfriend na si Krissa Mae Arietta ang nalalagay sa alanganing situwasyon. May nakarating na balita sa aming gumawa raw ng eksena itong si JayR sa opisina ng GMA Artist Center kamakailan dahil reprimanded diumano ng bosses doon si Krissa Mae.

Ang isyu ay may kinalaman diumano sa pagtanggap ni Krissa ng raket sa Guam na hindi ipinapaalam sa GMA Artist Center samantalang under exclusive contract siya rito.

Sa pagkakaalam ng GMA Artist Center, nagtungo lang si Krissa sa Guam for a vacation at wala namang work involved. Kaso, nabuking ng GMA Artist Center na rumaket daw ang dalaga roon, katunayan ay may nakuha silang kopya ng lumaganap na posters at tickets sa nabanggit na event na naroroon ang pangalan ni Krissa Mae.

Idine-deny ni Krpssa na may kinalaman siya sa raket na ‘yun. Ayon sa bersyon niya, um-attend lang siya sa event as a spectator, bigla na lang lumabas na umapir siya roon. In fact, nagulat na lang siya nang abutan siya ng talent fee.

Ayon sa isang GMA Artist person na nakausap namin, ang legal na proseso para sa isang deal abroad ay kailangang binding with contract bago aprubahan. Iniaabot daw ni Krissa ang bale iniawas na komisyon kay Yda Ramos, head ng GMA Artist Center, pero hindi nga nila matanggap ‘yun sa dahilang walang legal na proseso ang pag-apir ni Krissa sa event na ‘yun abroad na hindi naman talaga dumaan sa kanila.

Dahil sa pangyayari, napansin ni Krissa na naging hostile ang ilang GMA Artist Center people sa kanya. Napansin daw ito ni JayR na sinamahan ang girlfriend doon. Hindi raw nakapagpigil si JayR at ang sabi, “Oh, how nice the people naman here!” Sarcastic ang tono ni JayR at maangas daw ang dating.

Marami ang nakapansin nito. Wala raw pakialam ang GMA Artist Center kay JayR dahil ito ay mina-manage ni Arnold Vegafria. Kung GF nito si Krissa, ano raw ang karapatan nito para umasal nang ganoon? Ang feeling daw ng ibang mga taga-Artist Center ay nabastos sila, samantalang ang concern lamang nila ay ‘yung Krissa Mae na nakakontrata sa kanila at nagkaproblema nga dahil sa diumano’y pagtanggap nito ng karaketang hindi dumaan sa Artist Center.

Ano kaya ang masasabi ni JayR dito? Samantalang para itong maamong tupa nang makausap namin sa promo tour ng kanyang “Holiday of Love” Christmas album sa Eastwood. Kailan lang namin nalaman ang isyung ito kaya gusto naming ipalinaw kay JayR ang isyung ito kapag nagkaroon kami ng pagkakataon.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

10 thoughts on “Dahil kay Krissa Mae Arrieta: JayR, gumawa ng eksena sa GMA Artist Center! – Archie de Calma

  1. Ang GMA7 talaga. Wala silang pagpapahalaga sa kanilang talents. Parang mga basura kung tratuhin. Siguro, hindi mo masisisi na rumaket ang iba. Papaano, ang liit liit nang talent fee na ibinibigay nang GMA7 sa kanila. kailangan rin nilang mabuhay at huwag magutom.

  2. kawawa naman si krissa mae at mukhang hindi maganda ang pagmamanage sa career nya. sino ba ang manager nito? marami syang talent. dapat mabigyan ng magandang break kaysa iba na wala namang K. wala ngang balita sa naging show nya sa guam….magaling syang host kasama si Arnel sa Gobingo at magaling mag-Ingles at tagalog…masaya syang game host at matalino.dapat maisip ito ng kanyang manager. si jayR maganda ang boses at magaling ding maghost…ano na ang nangyayari sa industriya..mukhang palakasan ang nagaganap at hindi kung ano ang kayang gawin….parang pulitika rin….sayang kung ako kay krissa mae mag-iisip isip na rin ako…si jayR pang international ang boses..

  3. GAANO KYA KATOTOO NA ITONG SI KRISSA MAE PINAGTULUNGAN AT UMIIYAK NA LUMABAS NG OPISINA NI MS IDA NA NAG-IISA…BAKA ITO ANG DAHILAN KAYA PINOPROTEKTAHAN ITO NI JAY-r DAHIL PINAGTULUNGAN ITO SA OPISINA NI IDA HENAREZ? MUKHANG TOTOO NA PINAPANGAKUAN LANG NG KUNG ANU- ANO TAPOS SA IBA MAPUPUNTA. HINDI NA KAYA ITO MASAYA SA PAGMAMANAGE NG GMAAC? SAYANG MAY TALENT PA NAMAN ANG ISANG ITO AT MUKHANG SERYOSO SA KANYANG TRABAHO….

  4. pag tama ka dapat ipaglaban mo…kaso pag mataas ka at maraming galamay..kakawawain ka. kailangan may matutong lumaban at ipaglaban ang tama. maraming unprofessional sa gmaartist center na hindi dapat nasa trabaho nila at pag nabubuking naghahanap sila ng ibang paraan para madivert ang atensyon at ibahin ang issue at pasamain pa ang taong naagrabiyado. Dapat lang makialam na ang nakatataas para maging maayos ang sistema sa gmaartist center..nagkakaroon ng favoritism kaya ang talagang may mga talent nagiging kawawa.

  5. greeny hindi ka kasi marunong tumingin ng graceful sumayaw…at parang hindi ka marunong magbasa… ang layo mo sa topic. obvious marami kang hindi alam. bakit hindi mo tingnan yong alaga ng boss ng gmaartist center na matigas katawan at walang boses…..ginagawan ng issue si krissa mae binabaliktad nila ang issue. tanungin nyo si krissa mae kung papaano syang binastos at pinagtulungan ng gmaartist center dahil nagfile ito ng complaint sa big boss ng gma sa mga ginagawa sa kanya.

  6. PAALALA! MGA KABABAYAN, KUNG MAY MGA IMPORTANTING DOKUMENTO (AUTHENTICATED LEGAL PAPERS), WAG NYO NA PO IPADALA VIA “LBC”. KINUKUHA PO NILA ANG IYON AT ONE DAY MAY TATAWAG SAU NA SASABIHING NAIWALA ANG DOKUMENTO. THEN, HINDI MAN LANG NILA BABAYARAN UNG NAWALANG DOKUMENTO.. THIS IS PERSONAL EXPERIENCE IN THE “LBC COMPANY”. I LOST ALL MY ORIGINAL UNIVERSITY DOCUMENTS AND THE DFA AUTHENTICATED DOCZ…HINDI ITO PANINIRA BAGKUS ITO AY PAALALA PARA WALA NA SILA MALOKO PANG IBANG TAO….THANKZ.

  7. para yun lang eh bini-big deal na nila iyon? masisisi mo ba si jay-r eh sanay yan dito sa amerika na pag meron kang hindi nagustuhan kahit na supervisor mo pa ay pwede mong i-report sa nakatataas basta alam mong nasa tama ka.

Leave a Reply

Your email address will not be published.