Dahil kay Justin Timberlake: Sarah Geronimo, tinanggihan ang P1.5-M one-time appearance sa kampanya ng pulitiko?!

HOW TRUE NA ISANG campaign sortie ang tinanggihan ni Sarah Geronimo dahil ayaw nitong ma-miss ang concert ni Justin Timberlake recently?

Guess kung magkano ang talent fee ng Pop Princess kung pinuntahan niya ‘yon? Sey ng aming source, tumataginting na P1.5-M ang pinakawalan ni Sarah that night. Pero ayaw raw talagang palampasin ng singer-actress ang one-night only performance ng international singer na si Justin, kaya deadma si Sarah kahit na milyones ang offer sa one-time only appearance niya sa kampanya nitong pulitiko.

Ano nga naman ang P1.5-M kumpara sa kasiyahang maibibigay ni Justin kay Sarah, ‘di ba?

“Ang nanghinayang, ‘yung nanay ni Sarah,” pahabol pa ng aming source.

AS EXPECTED, PINAGHANDAAN nang husto ng Party Pilipinas ang muling pagbabalik ni Rachelle Ann Go sa Kapuso network. Ang ganda ng production number, at talagang marami ang nakapansin na this time ay naipakita nang husto ni Rachelle ang husay niya sa pagpe-perform. She has the spotlight all to herself, ‘ika nga.

Habang pinapanood namin ang Party Pilipinas, panay rin ang text ng isang taga-Viva sa amin. Good decision daw ang paglipat ni Rachelle dahil kitang-kita na she is considered a big star sa welcome party ng Sunday musical variety show ng GMA-7. Sey pa ng ka-text namin, hindi kino-consider ni Boss Vic del Rosario na nagtatapatan sina Rachelle at Sarah Geronimo.

“Si Sarah ang reyna ng ASAP, si Rachelle sa Party Pilipinas!” Text pa ng taga-Viva.

Bakit naman hindi bibigyan ng importansiya ng Kapuso si Rachelle? Ang guaranteed na kikitain ng former ASAP mainstay ay P30-M in three years.

Aside from Party Pilipinas, may solo shows na ring nakakasa for Rachelle.

NAG-AWAY RAW ANG dalawang sexy stars na ito kamakailan dahil nagkabukingan sila na iisa ang rich boyfriend nila na taga-malayong probinsiya. Ang siste naman daw kasi nitong lalaki, papupuntahin niya sa lugar niya ang isa sa sexy star para makatsuktsakan. At pag-uwi nito ng Manila, ‘yung isa naman daw ang papupuntahin niya.

Pero nang parehong nandoon daw sa probinsiya ang dalawang sexy stars na lingid sa kaalaman ng isa’t isa, kinontak nila ang rich boyfriend nila para makipagkita. Ang ginawa ng lalaki, una siyang nakipagkita sa isa nu’ng umaga, kinagabihan naman ‘yung isa.

Kaya lang, bumalik ang naunang tsinuktsak ng rich businessman sa hotel nito at doon daw niya nabuking na kasama naman nito ang isa pang sexy star.

Hindi na sana big deal ‘yon. Ang kaso, may ‘blood relation’ ang dalawang sexy star na tinuhog ng rich businessman.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleMarian Rivera, ipinagkakanulo ng katulong?!
Next article“Mistaken Transfer” ni Zaldy Ampatuan, Kinondena ng Kanyang Abogado

No posts to display