Dahil kay John Lloyd Cruz: Ruffa Gutierrez, nakatatanggap ng mga pangit na text mula kay Shaina Magdayao?

Naku, ‘day! Alam n’yo namang hindi ako sanay mag-blind item kaya babanggitin ko na ang mga naglalabasang tsismis tungkol dito kina Shaina Magdayao at Ruffa Gutierrez.

Nu’ng nakausap ni Butch Francisco si Ruffa sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada, ayaw naman nitong diretsong sagutin kung sino itong nagti-text sa kanya ng kung anu-anong paninira, pero obvious na si Shaina ang tinutukoy.

Ayaw niya talagang magbanggit ng pangalan pero kinumpirma nga ni Ruffa na nakatatanggap siya ng mga masasagwang text, dahil siyempre kay John Lloyd Cruz.

Naku! Pati nga si John Lloyd, ayaw rin niyang banggitin dahil ayaw na niya sigurong lumaki pa ang gulo.

May mga ilang artistang nakakikilala sa young actress at naniniwala silang kaya raw itong gawin ng bagets.

Naku, ha?! Parang ayoko namang paniwalaan iyan kasi nakakasama ko pa iyan noon sa Lira at ang bata-bata pa niya na walang kamalay-malay, ngayon nakikipag-away na sa mas nakatatanda sa kanya?

Kaya ayaw nang patulan ito ni Ruffa dahil sabi nga niya, namimili raw siya ng mga nakakaaway niya.

Lalo namang ayaw naman siguro niyang makipag-away dahil lang kay John Lloyd, ‘no?! May iba na yatang nali-link ngayon kay Ruffa na mas guwapong ‘di hamak kay John Lloyd. Kaya kung totoo mang nagti-text ng kung anu-ano itong si Shaina kay Ruffa dahil lang kay John Lloyd, huwag na niya sigurong gawin, ‘day! Kanyang-kanya na si John Lloyd, ‘di ba Ruffing?

Kaya lang, heto pa ang latest. Bakit bukod kay John Lloyd, nali-link naman si Patrick Garcia kay Shaina?

[ad#ad-text-links-1]

Naku, ha?! Bagets pa rin nu’ng kapanahunan ng Lira ang pagkakilala ko kay Shaina, kaya hindi ako sanay sa ganu’ng isyung kinasasangkutan niya.

Dapat mag-behave siya!

NAKIPAG-MEETING NA ITONG final 14 ng Starstruck V sa GMA Artist Center nu’ng kamakalawa ng hapon dahil sila na nga ang tatayong manager ng mga bata pagkatapos ng Starstruck na napanalunan nina Steven Silva at Sarah Lahbati.

Sana nga, may magandang plano sa kanila ang GMAAC para tuluy-tuloy na gaganda ang takbo ng kanilang showbiz career.

Bukod sa final 5, naaliw rin ako dito sa Haponesang si Nina Kodaka na sabi nga ni Joey de Leon, mukhang mas sisikat pa ito.

Nakatutuwa kasi ang karakter niya na parang walang kamalay-malay kaya bagay siya sa comedy.

Sabi nga niya, ayaw na raw niyang bumalik sa Japan dahil mas masaya raw rito kesa sa kinalakhan niyang bansa ng mga sakang.

Sabi naman ni Wilma Galvante, gusto nilang isa lang pa muna sa mas matinding workshop ang mga bata para magaling na sila ‘pag isalang na sila sa mga project na maibibigay sa kanila.

Gaya ni Steven na hindi pa rin marunong mag-Tagalog, gusto raw niyang gumastos sa pag-aaral niya sa Tagalog para matuto na siya talaga.

Isa raw ‘yun sa gagastusan niya sa 1.5 million pesos na napanalunan niya.

Congratulations sa dalawang ultimate survivor ng Starstruck V at sa buong staff, dahil isa ito sa pinakamagandang show na ipinalabas nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

17 thoughts on “Dahil kay John Lloyd Cruz: Ruffa Gutierrez, nakatatanggap ng mga pangit na text mula kay Shaina Magdayao?

  1. Tutuo po na si Shaina & John LLoyd madalas po mag-inuman sa different bar…then instead na umuwi si Shaina, sumama ito kay John LLoyd sa condo nito, nag shower duon then hindi na po umuwi ng gabing iyon…alam po ito ng mga staff ng condon ni JLC sa QC, pero pinagsabihan sila na wag magsalita kasi employees lang sila…pero nakalusot pa rin ang mga kwento dahil of course, may ibang tenants duon na matino…ayaw nila ng mga gulo sa loob nga naman ng tirahan nila…since si Shaina always go dun, madami na media at nakikiusyoso…kaya maniwala na kasi kayo…fan ako ni JLC pero ngayon, nakakapagod na siyang hangaan kasi patapon na yata ang buhay nito, sino sino na lang babae…

    • hindi totoo yan. Wag ka maniniwala sa imbentong kwento ha.

      Kadiri nmn yang Shainang yan! dami daming nalilink palibhasa malandi.

  2. SI SHAINA AT JOHN LLOYD NAGLASINGAN NANAMAN NUNG SABADO SA ISANG BAR SA XAVIERBILLE HANGGANG ALAS SYETE NG UMAGA!! TUKAAN NG TUKAAN SA HARAP NG WAITERS. HALOS MASUKA NA SILA SA DALAWA DAHIL LASING NA LASING NANAMAN!! PA CHECK MO INENG…ROLL AND RIDE!!! ANG INORDER PA NILA RED HORSE AT PATRON! SHOTS NG SHOTS SI SHAINA…LAKAS UMINOM CHONG! DAPAT MAG ENDORSE SILANG DALAWA NG ALAK! GRAN MATADOR!

  3. HOY GOSSIP GIRL!! YUNG ALAGA MONG SI JOHN LLOYD ANG NAKAKASUKA!! PASALAMAY KA NA MAHUSAY SIYANG ARTISTA! YUN LANG ANG PANLABAN NIYA! PERO SA UGALI..PANIS!! KALBO NA, MANYAKIS NA, LASENGGO PA!! KAHIT SAAN MAGPUNTA SI RUFFA …SIKAT SIYA!! AT MARAMING LALAKI ANG NAGHAHABOL SA KANYA INCLUDING YANG ALAGA MONG KALBO!! DI NIYA KAILANGAN SI JOHN LLOYD! SINUSUKA NIYA SI JOHN LLOYD INENG AT PAGOD NA SIYA SA KAKA OVERDOSE NIYA SA LAHAT NG KLUB! KADIRI!

  4. NAKAKASAWA NA ANG MGA PUBLICITY AT GIMIK NI RUFFA G. ABOUT JOHN LLOYD CRUZ TO THE EXTENT NA NAKAKASUKA NA!

    MAY NANGYAYARI BA NAMAN SA CAREER NI RUFFA?

    WALA.

    TANGGAPIN NA LANG KASI NG MALUWAG, NA WALA NG MAGAGAWA PA UPANG SUMIKAT ULIT.

    ANG TANONG?

    SUMIKAT AT TUMATAK BA SA SHOWBIZ INDUSTRY ANG ISANG RUFFA G?

    HINDI.

    NI WALA NGA AKONG KAHIT ISANG PELIKULA NYA NA TUMATAK SA KASAYSAYAN NG PELIKULANG PILIPINO.

  5. Sana lang, gumawa ng pelikula ang Star Cinema na magka–loveteam sina Melai at John Lloyd! At isa pa na ang magka–loveteam naman ay sina Bea Alonzo at Jason! :idea: :!:

  6. Sana lang pasikatin ng husto ng GMAAC ang mga survivors pati na ang mga nanalo. Hindi yung puro umpisa lang, in fact marami silang artist na hindi masyado nabigyan ng magandang exposure. Sina Mark Herras and Jennelyn, sa umpisa lang. Sana tuloy tuloy…paging GMA, nasasayang ang mga talents niyo.

    Peace to all.

  7. lolit, simple lang naman eh! kung talagang ayaw ni ruffa ng gulo or intriga bakit kailangan pa niyang i-share sa ibang tao lalo na sa isang reporter or host ang nangyayari? wala pa naman or hindi pa naman niya talaga sigurado kung si SM nga ang nagte-text sa kanya ng bad words. kung sigurado nga siya na si SM ‘yon, bakit hindi niya kausapin si SM thru her sister VM since kaibigan niya si VM? ‘yon eh kung totoong kaibigan ang turing niya kay VM? but mas pinipili mo pang magpaka-kontrobersiya!

    ‘di ba si ruffa at raymond din ang naglabas ng ng istorya tungkol sa paglalasing ni JL at SM thru twitter?

    ayaw ng ruffa ng intriga or gulo pero siya or si raymond ang naguumpisa ng gulo or intriga ng PATALIKOD!

    magpakatotoo ka ruffa! taliwas ang ginagawa mo sa gusto at sinasabi mo!

  8. i don’t thonk gagawin un ni shaina…coomon sense kc c ruffa ay nsa d buzz at kung ako c shaina mgaalangan ako dhil alam kong pwede akong siraan sa talk show.ano ba yan masyado knang feeling ruffa!!!umayos ka!iba ang lumalabas sa bibig mo at sa gingwa mo.ang tanda mo na mging huwaran ka sna.

    • kung gawin man yan ni Shaina, Ruffa can not freely defend herself. dahil mapipilitan syang umamin na naging boyfriend nga nya si John Lloyod to begin with!

      kung wala naman talagang naging relasyon, bakit she will be so affected diba ?

      ask Aiai, she knows the real score. kung napanood nyo ang The Buzz last Sunday and you read between the lines, yun na nga.

  9. nagpapaka controversial na naman si ruffa. di na dapat niya pinagsasabi yung tungkol sa text kung ayaw niyang patulan di ba? instead she is trying to imply na meron ngang naninira sa kanya sa text. kakainis lang dahil sa edad nya she is making an issue out of it. parang feel na feel din nya na nalilink siya kay john lloyd. deny siya ng deny noon pa pero si jun lalin na publicist nila made a blind item na talagang klarong klaro na si jlc at rg ang tinutukoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.