DAHIL KAY DANIEL MATSUNAGA… HEART EVANGELISTA, GUSTONG MANIRAHAN SA BRAZIL?

MATUNOG ANG BALITA na nagkakamabutihan na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Inamin mismo ng dalaga na madalas silang mag-date ng hunk actor. Ayaw na lang nitong mag-elaborate tungkol sa tunay nilang relasyon. Nagsalita na rin ang binata sa status ng namumuo nilang relationship.

Last Christmas, magkasama sina Bea at Zanjoe na nanood ng sine at kumain sa labas kasama ang kanilang mga kaibigan. May pagkakataon na kung minsan silang dalawa lang ang nagdi-date. Nangyari daw ‘yun after New Year. Ang nagustuhan niya sa dalaga ay kung papaano nito mahalin ang pamilya at alagaan.

Inamin ni Zanjoe na seryoso siyang nanliligaw kay Bea, pero wala pa raw sa punto na magsyota na sila. Sa ngayon daw ay ini-enjoy niya ‘yung time na magkasama sila, magkausap at magka- text. Tuwing magkasama, pinaliligaya at pinatatawa nito ang magaling na aktres. Umaasa si Zanjoe na darating ‘yung time na sana ay maging sila na ni Bea.

Kami’y naniniwala na may mutual understanding na ang dalawa. Hindi palang siguro napapanahon para aminin nila ang totoong namamagitan sa kanila. To think na na-meet na pala ni Zanjoe ang pamilya ng dalaga. Hindi nga lang daw na-meet ni Bea ang pamilya ng binata dahil sa Batangas nakatira ang mga ito.

Kung tawagin nga ni Zanjoe si Bea ay ‘Tisay’ at kung minsan daw sa nickname nitong ‘Bei’. It’s shows na relax sila sa isa’t isa. Hindi na tayo masu-surprise kung biglang aamin ang dalawa: “Were both in love!” Ganu’n?

NAKILALA NA NI Heart Evangelista ng personal ang pamilya ni Daniel Matsunaga nung nagbakasyon ang mga ito sa Pilipinas for two months. Magkakasama rin nilang sinalubong ang Bagong Taon sa Macau. Dati kasi ay nakakausap lang ni Heart ang parents ng kanyang  Brazilian-Japanese boyfriend through Skype o video chat. Nang pauwi na ang mga ito pabalik sa Brazil, nagkaiyakan pa nga raw sa airport.

Nagpaplano ngayong summer si Heart kasama si Daniel na magbakasyon sa Brazil para i-celebrate ang kanyang birthday. Naging emotional nga ang dalaga dahil sa magandang pakikitungo ng parents ng binata sa kanya. “I had such a happy time with them. Nag-promise kami ni Daniel that we will visit them in Brazil. Gusto kong ma-experience ang buhay doon,” sey ng aktres.

Maraming bagay raw ang natutunan ni Heart kay Daniel, mga simpleng bagay na dapat pahalagahan. Damit at sapatos pala ang niregalo ng binata sa kanya at isinuot niya ito last Christmas. Kung dati ay bongga siyang magbigay ng regalo sa boyfriend, ngayon ay hindi na.

“Dati kasi palaging high-profile, may Louis Vuitton. Ngayon, simple lang. There are things that money can’t buy. I must admit, when someone treats you like a princess, reregaluhan ka ng mga magagandang bagay. Pero siyempre, it’s not the only thing that can make you happy. You know, if I want something, I’ll work hard for it,” sabi niya.

Obvious naman na very much in love sa isa’t isa sina Heart at Da-niel. Very vocal ang binata sa pagsasabing si Heart na babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habang buhay.

“Kung sigurado siya, sigurado rin ako! I can’t say anything more. This is what I call love! No guy has ever done that. I mean, walang nagsabi sa akin na gusto akong pakasalan with all confidence on live television. Kaya it makes me love him more for being proud of our relationship,” pahayag ni Heart.

Hindi nagmamadaling lumagay sa tahimik sina Heart at Daniel. Gusto muna nilang makapag-ipon for their future together. Marami pa si-lang gustong gawin at ma-accomplish  kaya focus muna sila sa kanilang trabaho. Ang importante, pinanghahawakan nila ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.