Dahil kay Aljur Abrenica
Louise delos Reyes, nakipag-break kay Enzo Pineda

Enzo-Pineda-Louise-delos-ReyesNAKU, DAY! Naloka ako nang nagkuwento sa akin ang aking source na nakipag-break daw si Louise delos Reyes kay Enzo Pineda.

Diyos ko, ‘day! Si Louise pa ang may ganang makipag-break, dahil ba kay Aljur Abrenica?

Eh, may girlfriend si Aljur, at nakita naman natin kung gaano siya ka-in love kay Kylie Padilla.

‘Yan daw ang kuwentong pinag-uusapan na mukhang nagkamabutihan daw ang dalawa sa set ng Kambal Sirena.

Isa raw sa pinag-awayan nina Louise at Enzo, nang nalaman ng huli na lumabas sina Aljur at Louise na sila lang. Date talaga?

Naku, ‘day! Ano naman kaya ang reaksyon diyan ni Kylie?

Tingnan na lang natin kung ano ang kalalabasan ng isyung ‘yan.

Kung totoo nga, parang kinain din pala ni Aljur ang mga sinabi niya nu’n kay Geoff Eigenmann. May boyfriend si Louise, dinidiskartehan niya?

Abangan na lang natin kung ano ang sasabihin nila.

Malay natin, baka promo lang ito para sa Kambal Sirena.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Dahil kay Aljur Abrenica
Louise delos Reyes, nakipag-break kay Enzo Pineda

  1. aminin na lang ni louise na mas kinakati siya sa magandang katawan at malaking tarugs ni aljur kesa kay enzo hekhek!

Leave a Reply

Your email address will not be published.