Dahil daw sa third party na isang non-showbiz businessman/ politician Relasyong Marian Rivera-Dingdong Dantes, ‘di mauuwi sa kasal at maghihiwalay

MARAMING NAGULAT SA mga hula ng sumusunod sa yapak ng Nostradamus ng Pilipinas na si Jojo Acuin sa katauhan ng magaling na psychic na si Bro. Mhon o Mr. Ramoncito Co sa totoong buhay.

Ayon kay Bro. Mhon, magkakaroon pa ng dalawa pang laban ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao bago magretiro at isa rito ay ang paghaharap muli nila ni Marquez at isa pang mahusay na boxer. Dagdag pa nito na malabo na raw matuloy ang laban ni Pacman kay Mayweather.

Habang hindi na raw muling babalik pa ang golden voice ng nag-isang Superstar na si Nora Aunor kaya naman daw ‘di na ito makakaawit pang muli, pero patuloy pa rin daw ang pag-arte nito sa pelikula at telebisyon, kuwento pa nito na hindi na raw makakamit ni Ate Guy ang grabeng kasikatang natamasa nito noon, pero hindi naman daw ito mawawala sa sirkulasyon.

Hula pa nito na bukod daw sa kasikatan bilang artista at host ay magtatagumpay rin daw ang Queen of Talk na si Kris Aquino ‘pag pinasok nito ang mundo ng pulitika. At kung matutuloy raw ito, ang pagi-ging senadora raw sa 2013 Elections ang unang papasukin ni Kris na pagtatagumpayan naman nito.

At by 2016 naman daw ay malaki ang posibilidad nitong tumakbong presidente at malaki ang tsansa nitong manalo at makabalik sa Malacañang. Dagdag pa ni Bro. Mhon na sa 2016 ay malaki rin ang tsansang manalo sa pagka-bise presidente si Sen. Bong Revilla at mas lalo silang lalakas kapag nagsama.

At by 2022 naman daw, isang Marcos ang makakabalik sa Malacañang at magiging presidente, either kina Sen. Bongbong Marcos daw o sa kapatid nitong sina Irene o Imee ang tatakbo at mananalo.

Dagdag pa nito na hindi raw mauuwi sa kasalan ang relasyong Dingdong Dantes at Marian Rivera. Dahil may 3rd party raw na papasok sa relasyon ng dalawa , kung saan mai-in love at tuluyang mabubuntis si Marian ng isang non-showbiz businessman/ politician.

Bukod kina Marian at Dingdong , hinulaan din ni Bro. Mhon na wala nang balikang magaganap between Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz , kung saan sinabi nito na iba ang makaka-tuluyan ni Shaina na siya ring makakabuntis sa magandang aktres.

At by 2012 ay dalawang sikat na young stars mula sa Kapuso at Kapamilya Network ang mabubuntis na may initial na C at R, habang ang mga stars na sina Kristoffer Martin na magiging controversial sa 2012 at may masalimuot na lovelife, Coco Martin na very sensitive daw ang mga isyung kakasangkutan ang ilan sa mga artistang patuloy na sisikat sa pagpasok ng Year of the Dragon 2012!

HINDI NA RAW ginawa pang mag-usap ng dalawa sa lead stars ng bagong primetime soap ng TV5 at Viva TV na PS I Love You, na sena Kean Cipriano at Alex Gonzaga sa issue sa pagitan nila na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Tsika ng dalawa, wala naman daw rason na pag-usapan pa ang nakaraan. Ang mahalaga raw ay pareho silang nakasama sa PS I Love You at pareho silang may trabaho.

Dagdag pa ni Alex, ang nakaraan ay nakaraan na at dapat nang kalimutan, kung ano man daw ang nangyari noon ay tapos na at hindi na puwedeng balikan pa.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleLuis Manzano, kinumpirmang GF na si Jennylyn Mercado!
Next articleMukhang hindi seryoso… Precious Lara, pinababayaan ni Marco na mag-isang mag-asikaso ng kasal?

No posts to display