Dahil daw sa pride Vice Ganda, ‘di handang makipagbati kay Ai-Ai delas Alas?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka nang bonggang-bongga ng yours truly at ayaw talagang magpaawat…

Well, super touched talaga ako kay Pokwang dahil hindi niya talaga ako nakakali-mutan ‘pag araw ng Pista ng Nazareno. Dati kasi, taon-taon kaming nagkikita niyan ‘pag Pista ng Quiapo. At take note, sinabi ko sa kanya noon na sisikat siya. Ayun at tuluyan na talaga siyang nakilala.

Ang natutuwa lang ako kay Pokwang, kahit na ano’ng mangyari, kahit na hindi kami nagkakausap ng ilang buwan, basta Pista ng Quiapo, lagi niya akong kinukumusta. Nang tanungin ko nga siya kung pupunta siya, sabi niya ay dadaan lang daw siya, pero magdi-disguise siya para hindi makikilala ng mga tao.

Bilib talaga ako rito kay Pokwang. Kaya siguro lagi siyang pinagpapala. Well, anyways… congrats nga rin pala sa kanyang pelikulang A Mother’s Story na matagal nang pinalabas sa ibang bansa. Pero ngayon ngang palabas na rin ito rito, marami naman ang sumuporta sa kanyang pelikula. At take note, bongga ang premiere night niya.

Kaloka, ‘di ba? Ikaw na ang maging Pokwang… pak!

 

AT HETO pa ang exclusive na chikka na talaga namang maloloka ka sa Earth! Isa pang usap-usapan ngayon ay itong si Vice Ganda. Hindi pa raw ito handang makipagbati kay Ai-Ai delas Alas na hindi naman talaga alam ng ate mo kung bakit nagalit sa kanya si Vice. Kaloka, ‘di ba?

Hindi talaga kakayanin ng powers mo. Ibang klase na raw talaga si Vice Ganda ngayon dahil marami talaga ang nagchi-chikka sa atin na namimili nga raw ito ng kaibigan sa showbiz.

Naku, ‘te… kung ganyan talaga ang attitude mo, hay… hinay-hinay lang. Siyempre, kung iisipin mo, mas matagal na sa ‘yo sa showbiz industry si Ai-Ai, kaya dapat, ikaw na lang ang magbaba ng iyong pride. Wala namang mangyayari kung makikipag-away ka, dahil makasasama lang sa career mo ‘yan.

Dapat kasi, lagi lang pa-humble ang mga bading, huwag masyadong palaban… alam mo ‘yan! Kaya kung ako sa ‘yo, Vice Ganda… move on na sa galit. Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Dahil daw sa pride Vice Ganda, ‘di handang makipagbati kay Ai-Ai delas Alas?!

  1. pareho namang clang nag gagamitan if i know…mga artista talaga naggamitan para lang pag usapan….lumang tugtugin na yan.tignan mo magsasama yan sa movie o isang show kaya kunwari may away cla…..hehehe.

  2. ang corny na nga ni vice… naalala ko lang yung ginawa ny kay tado… hinamak hamak nya ang tao porket walang masyadong appearance sa showbiz kung maliitin na nya akala mo kung sino na sya…. naging kaibigan lang nya sila kris aquino akala mo kung anong meron na sya… para sa akin dapat magpakita sya ng paggalang at respeto din kay ai ai noh… nagsimula rin sa wala si ai pero wala nama syang tinapakang tao kaya until now sikat pa rin sya.. si vice kaya hanggang kelan na lang kaya sya sikat….

  3. Tita Swarding, i believe wala tayo sa posisyon to meddle sa issue nila Ai Ai at Vice Ganda kasi di natin alam ang punot dulo. As for Vice’s changing attitude, tao rin lng kasi sya at napapagod, napupuyat,sumasama ang pakiramdam, just like other celebrities, nabuburn out lng sila, ang kaibahan lng nila sa ordinaryong tao, mas namamagnify pag sila ang nakikitaan ng mga ganong kahinaan. It comes with the teritory and it is the price they have to pay for the success they had hoped to achieve.

  4. Tita swarding, ano ba yang baklang c vice ganda-gandahan hindi naisiwalat ang pinagsisintir kay ai-ai.. sapakin mo kaya para tumino ang utak ng balahurang ‘yan!

  5. sino ba talaga ang may kasalanan??? parang nauuLit kasi ang POKWANG VS AI AI.. diba may issue before na masama loob ni AI Ai kay pokwang nung sumikat ng husto si Pokwang..kasi natatakot daw si Aiai na maungusan?? e ngayon si Vice Ganda na naman?? ANG PANGIT TALAGA GALIT SA KAPWA PANGIT…JOKE! WHY NOT ANGELICA PANGANIBAN Vs AIAI nalang.. hehehehe

  6. No wonder, yung mga malalapit kay Vice Ganda ang natatamaan ng K arma! Ayan, kinuha na sa itaas si relative ni Vice nung bago mag new year para hindi na mapasali sa kasalaulaan ni vice ingrata.

  7. Bukod sa.mayabang, tsismoso pa, mapaggawa ng tsismis. Siya ang nagkalat ng tsismis while wala si Mariel nanira na ng nanira at nagimbento ng mga kwento para magalit kay Mariel. I am sure daming sira at kwento na naman kay Ai Ai . Tumaas ang ere, dahil sama pala ng ugali mo, to

  8. ANG PANGIT NI VICE MUKHANG BAKOKANG NA HINOG NA YUNG NANA SA LOOB………HAHAHAHAHA……….PURO HYPE LANG YAN AT LAHAT NG PELIKULA PURO WALANG KUENTA………PWE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.