Dahil daw sa BF na may-edad na bossing sa Dos Maricar Reyes, parang nakasandal sa pader!

KAPAG TALAGANG pinagkumpara ang naging bagong kapalaran nina Maricar Reyes at Katrina Halili magmula nang masangkot sila sa sex video scandal na may kaugnayan kay Hayden Kho, masasabing mas naging maganda ang direksiyon ng movie career ni Maricar kum-para kay Katrina. Palaban at naging maingay kasi si Katrina tungkol sa hustisya na gusto niyang makuha sa itinuturing niyang kaapihan na kanyang naranasan. Kabaligtaran naman, na nanahimik si Maricar tungkol sa nasabing eskandalo.

Sikat na sikat si Katrina bago nangyari ang eskandalo, pero nakakalungkot lang na ang isang mabait na tao sa showbiz na katulad niya, ay dumaranas na ngayon ng paglamlam ng career at naudlot talaga ang karugtong ng kanyang kasikatan.   Si Maricar naman ay hindi pupuwedeng basta interbyuhin ng press, kaya talagang walang makakuha ng kanyang panig tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya. Naging misteryosa ang kanyang dating, habang magagandang proyekto ang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, kaya naging aktres ang kanyang kalibre sa ngayon.

Matagal na ring pinag-uusapan, na kaya raw maganda ang direksiyon ng career at buhay ni Maricar, ay dahil nga diumano, ang kanyang boyfriend ngayon ay isang may edad na bossing sa ABS-CBN. Para raw nakasandal ngayon sa pader ang kaseguruhan ng buhay at career ng magandang aktres. Dahil mailap nga si Maricar sa press, kaya ang tanong na ito tungkol sa kanyang lovelife ay hindi pa niya nabibigyang-linaw.

 

BLIND ITEM: Kamakailan ay nagkaroon ng presscon para sa pelikulang pinagtatambalan ng mga sikat na artistang itago na lang natin sa mga pangalang Gladys Evangelista at Randy Diaz. Nu’ng tawagin na ang magkapareha ay nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga dumalong press. “Pagmasdan n’yo ang dalawang ‘yan. Isang maganda at isang guwapo.  Magaling silang magdala, dahil sa totoo lang naman ay nagkatikiman na sila kahit wala silang inaaming relasyon,” wika ng isang beteranang reporter.

Waley, as in mahirap din naman kasing umamin sina Gladys at Randy kung ano man ang namagitang seksuwal na sa kanilang dalawa, dahil kung walang inaaming karelasyon sa showbiz ang magandang young actress, si Hunk Actor naman ay mayroong naipangalandakang girlfriend na magaling na aktres sa showbiz, na itago na lang natin sa screen name na Perla Adarna. Nakarating daw kay Perla ang closeness nina Gladys at Randy, kaya umalingawngaw ang kanyang pagtataray.

“Ang mahal talaga ni Randy ay si Perla. Kaya lang, ilang proyekto rin dati ang pinagsamahan nina Randy at Gladys kahit hindi sila ‘yung direktang magkapareha. Kaya talagang nagkalapit sila, na inilihim lang nilang talaga. Hindi pupuwedeng hindi sila matukso, kasi’y napakaganda ni Gladys at pantasya ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Randy,” dugtong pa ng beteranang manunulat.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Dahil daw sa BF na may-edad na bossing sa Dos Maricar Reyes, parang nakasandal sa pader!

  1. Lollilop girl yata yang si Maricar, kaya sobrang husay. Kung hindi tumirik ang dapat tumirik, malamang kandila na lang ang ititirik sa iyo.

  2. Actually, I think magaling talaga ang ABS-CBN or Star Magic maghandle ng scandals ng mga talents nila. Maricar Reyes is just one of the many talents of Ch2 who were involved in scandals. But she managed to survive it. Look at Piolo, Coco Martin, John Lloyd, Angelica… lahat sila had issues thrown at them. Some are true, maybe others are not. But just the same, they were all handled “professionally”.

  3. No wonder well protected si Maricar ng Dos. I was wondering how come during the height of the sex scandal, hindi siya nagsasalita – yung pala pinagbawalan siguro ni Boss Gabby. Naging interesado siguro si Boss Gabby sa kanya nung nakita niya ang wild sex video niya with Hayden. Sa totoo lang, mas wild pa si Maricar kesa kay Katrina. Si Katrina nakahiga lang pero itong si Maricar magaling mag-acrobatics. LOL.

  4. Hayden and Maricar were both med students of UST when they have a relationship. It can not be called an affair. Boyfriend-girlfriend sila.

  5. Confirmed: Maricar Reyes and Gabby Lopez. Madami ng nakakita kay Maricar sa house ni Gabby Lopez sa Laguna.

  6. sa malakas na halinghing ni maricar… tiyak.. lalabasan na agad ang Exec na yun…… sana may video rin… hehehehe

  7. Parang nakasandal sa pader talaga, yan si Maricar, sobrang galing kasi ni Maricar sa video nila ni Hayden Kho kaya naman type na type siya nung Exec.

  8. in all fairness kay maricar, talagang pinotetahan sya ng dos at hindi talaga pinagsalita, may breeding at marunong umarte, may pinag aralan pero talang ang sex video nila ni hayden ang nagpasira or ang hindi bumalanse nevertheless, magaling syang aktress, maganda at sexy1 hahahaha

    obvious naman ang BI= ERICH GONZALES, DEREK RAMSEY at ANGELICA PANGANIBAN! sobrang obvious!

Leave a Reply

Your email address will not be published.