Dahil daw kay Sam Milby Toni Gonzaga, nanlalamig na kay Direk Paul Soriano?!

NAKASAMA NAMIN SI Nora Aunor sa isang fast food sa Kalayaan pagkatapos bigyan siya ng Lifetime Achievement Award ng PMPC kasama si Laguna Governor ER Ejercito.
At habang kami ay kumakain, ipinapanood sa amin ang trailler ng pelikulang El Presidente. “Nirecord ‘yan before may operation. Wala pa akong problema nu’n sa boses,” pahayag ni Mama Guy na ang tinutukoy ay ang theme song ang nasabing pelikula nila ni Gob. ER.

“Actually, nang marinig ko ‘yan, Morly, nagandahan talaga ako. Sabi ko parang akma sa movie namin. Parang ini-record niya for El Presidente.” Sabi naman ni Gob. ER, na nagsabing masaya siya dahil bukod sa El Presidente ay nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang movie naman nila nina Carla Abellena at Baron Geisler.

Pinakinggan namin ang theme song at tiyak na pagdududahan ng marami na drama lang ni Mama Guy ang pagkawala ng kanyang boses. “Sana nga drama na lang. Sana nga hindi na lang totoo itong nangyari sa akin dahil miss na miss ko nang kumanta. At alam naman nating lahat na bago ako nakilala sa pag-arte ay ang boses ko ang naging puhunan ko sa showbiz, ‘di ba? Malungkot ako dahil nagkaroon ng ganitong problema at sana maibalik ang nawala kong boses,” sabi pa ni Mama Guy.

Ayon kay Mama Guy, maligaya siya dahil ipinakikita at ipinadadama ng kanyang mga fans ang labis na pagmamahal sa kanila at ang isa na nga rito ay ang plano ng Noranians na mag-donate para sa  operasyon ng aktres. “Sobrang saya ko, kasi kahit ano pa ang nangyari, nariyan sila sa tabi ko,” sundot pa ng nag-iisang Superstar.

 

MARIING ITINANGGI NI Toni Gonzaga ang balitang tuwang-tuwa at nagbunyi siya nang tuluyan nang magpapaalam si Mariel Rodriguez sa Channel 2. Ang usap-usapan kasi, labis daw ang galak na naramdaman ni Toni nang lumipat na si Mariel sa programang Wil Time Bigtime.

“No, siyempre malungkot kami dahil matagal din kaming magkasama sa iisang istasyon. Wala namang ganu’ng eksena. Bakit naman ako magdidiwang? I mean, huwag na. Tama na. Huwag na kaming gawan pa ng intriga dahil unfair naman ‘yun sa amin,” sunud-sunod na sabi iyon ni Toni nang kausapin namin ito sa backstage ng PMPC Awards for Music kamakailan.

Ayon kay Toni, ngayong magbubukas ang PBB, na-miss nila si Mariel. “Umpisa pa lang ng PBB, kasama na namin siya ni Bianca sa show na iyon. Nakaka-miss talaga, pero siyempre ganu’n talaga ang buhay, alam mo naman ang sitwasyon natin dito sa showbiz, walang permanenteng show, ‘di ba? Kaya kung magtrabaho, work ka lang nang work.”

Sa kabilang banda, pinagtawanan at pinanlakihan lang ng mata ni Toni ang isyung hiwalay na sila ni Direk Paul Soriano. “Noong una, ang sabi nila si Zanjoe (Marudo) ang dahilan ng hiwalayan, tapos ngayon si Sam (Milby) naman. Ano ba talaga ang totoo? Hahaha! No, wala. Walang hiwalayan. Kami pa rin ni Direk Paul at walang dahilan para kami maghiwalay. Smooth at maayos pa rin ang aming relasyon.”

Usap-usapan kasi na si Sam ang tunay na dahilan kung bakit nanlamig si Toni kay Direk Paul, dahil tatlong buwan na silang may lihim na relasyon ni Sam. “Kung anu-ano na lang ang mga naglalabasang balita na walang katotohanan kaya kami ni Direk Paul deadma na lang. Hindi na lang namin pinapansin ang mga ganyang balita kasi wala naman talagang katotohanan,” pagwawakas ni Toni sa Pinoy Parazzi.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

20 thoughts on “Dahil daw kay Sam Milby Toni Gonzaga, nanlalamig na kay Direk Paul Soriano?!

  1. over ‘tong c SHEBIE, napaka bitter. napakalaki ng insecure nya k
     toni… at ganon nalang ang paninira nya.. wawa nman xa! 

  2. @Shebie , hahahahahaha @Tum-ba-lelong-ang-Tum ni Robin@Mariel salamat sa info, yeah gurang na ako at yon din ang alam ko na puede raw yon macovered sa insurance namin dahil sa obstruction sa vision, and i think may cataract din ako which will need to be removed soon.

  3. BASTA PARA SA AKIN,LAHAT KAYO MAGAGANDA,NAGPARETOKE MAN O HINDI,YUN NGA LANG KANYA-KANYA LANG NG APPEAL,NATURAL NA GANDA KUNG WALA NAMANG APPEAL WALA RIN,PANGIT NA MUKHA MAN KUNG MALAKAS ANG APPEAL EH TYAK TALO ANG SUPER GAGANDA DI BA,LIKE ROBIN AND MARIEL,ALAM NYO ,IDOL NA IDOL KO SI ROBIN,MALAKAS ANG DATING NYA KAHIT NA MAY IDAD NA SYEMPRE MAS LALO NOONG KABATAAN KAYA LANG NAGKASAMA SILA NI MARIEL KASI SI MARIEL SA AKIN AY WALA SYANG KAAPPEAL-APPEAL,HINDI KO GUSTO ANG GANDA NYA,AT HINDI KO RIN SYA HINANGAAN,BUTI PA SI TONI MAS GUSTO KO YUNG GANDA NYA AT PAG-ARTE

  4. Out of topic ito, pero if I clearly remember, hindi ba si Morly Alinio ang nagbalitng buntis si Kris Aquino pero hindi niya napanindigan ? Sadly, ibinalita niya ito ng hiwalay na si Kris at James Yap. Is this writer/reporter credible ?

  5. Not sure what your age is Maria but where I work, if our patient has droopy eyelids and it is obstructing their vision, we can consider it medical , not cosmetic surgery. Therefore, it is covered by medical insurance. Likewise, if we perform cataract surgery on a patient, the tendency of the eyelids is to be droopy (in some cases) and an eyelid tuck is necessary.

  6. @kokoy parang si Kim Chiu yata yong nabalitang nagpaayos ng ilong, pati rin pala si Toni. Yong boobs ni Ruffa Mae at ZsaZsa Padilla , natural ba yon or silicone? Sino ba ki Belo or Calayan ang magaling sa plastic surgery. Pag umuwi ako dyan sa Pinas in two years ipagawa ko rin itong eyelid ko kasi yong kaibigan ko nagpa eyelid tuck, ganda tingnan pero hindi sa belo at calayan siya nagpagawa, sa ibang doktor, yong inununsiyo noon ni jobert sucaldito yata.

  7. @Tum-ba-lelong-ang-Tum ni Robin@Mariel, agree ako sa concept mo about retoke to get better chances in recognition in showbiz pero sino yong iba na nagsisisi sa retoke nila gone awry? Ang nabalita lang naman na maraming pinaretoke ay si Jinkee, Gretchen, Pops (klaro ang kang Pops kasi yong lips nya parang pina Angelina Jolie siguro yon pero iba ang dating parang sira ang dating) , si Regine din nabalita na nagparetoke daw, sino pa ba? Si Gretchen din, mas maamo at maganda ang mukha niya noon, ngayon parang super matured na at parang ang lapad na ng mukha at ang lapad na ng forehead at ewan ba parang hindi na sophisticated tingnan. Sino pa ba yong iba?

  8. NAKU, NAGBAGO LANG NG NAME SI TAE……HAHAHAHAHA………..GUAPO? EH MUKHANG MAY SAKIT SA GULUGOD EH…………FEMALE POP ARTIST? SUSME NAMAN EH NGONGO ITO AH TAPOS MEDYO DULING PA……….SINO BA KALABAN NIYA SA CATEGORY SI MS. ROSA ROSAL?…………..HAHAHAHAHA………

  9. @Maria, I don’t think it’s fake. Pero, whether it’s fake or real, maganda si Toni. I love her looks, kaya maraming nagkaka-crush sa kanya. I’m willing to bet that almost everyone in showbizness went through some type of cosmetic procedure. Whatever it takes to improve one’s looks, go for it. Kasi, sa mga artista, ito ang CAPITAL nila. Kailangang pangalagaan. Masuwerte ang lalung gumaganda habang nagpapabelo. Mayroon namang maski anong retoke, ganoon pa rin ang hitsura. Ang hindi na siguro ako approve ay iyong halos mabinat na ang mukha na parang mayroong “Everlasting” smile. Hindi bale kung smile, pero iyong iba, para ng nananakot eh. Smile na may halong matang dilat na dilat. Papaano kayang natutulog ang mga ito kung hindi maisara ang talukap ng mata ? I can name a few pero huwag na lang. Ang laki na ng pagsisisi nila sa RETOKE GONE AWRY.

  10. @shebie, hindi ah, ang guwapo guwapo kaya ni Direk Paul. Learned, good looking, mabait na christian. Direk, luhod ka kaya at ipagdasal mo ang ating kaibigang alimango. Hey sheb, nanood ako ng isang documentary about crabs sa South America. Mga hermit crabs ata iyon. KAWAWA ANG MGA NILALANG. Everytime they cross the road to go to the other side that leads to the ocean, NASASAGASAAN. NAPIPISAK ANG MILYON MILYONG KAMAGANAK MO. NAALAALA TULOY KITA AT NAPATINGIN AKO SA LANGIT AT NAGDASAL NA SANA HUWAG NAMANG MAPISAK SI ALIMANGONG PUNO NG APDO. NARINIG SIGURO ANG DASAL KO KASI, ANDITO KA PA RIN. MALAS LANG NAMIN. . .

  11. Congratulations Toni for your new awards. . . .PMPC Female Pop artist and Face of the Night. Talagang ang ganda na ng takbo ng iyong career, kaya maraming naiinggit, di ba Mariel ? Ignorin mo na lang Toni ang negative comments. Maraming nagmamahal sa iyo. Psssssssst, Mariel, the latest news also is that Anne Curtis ang Christine Reyes, dalawa sa marami pang biktima ng backstabbing mo, ang ganda ganda na rin ang takbo ng kanilang career. What happened to yours, Mariel ?

  12. MUKHA NAMAN KASING MATANDANG HUKLUBAN YUNG SYOTA NIYA NA SI SORIANO EH…SI SAM MILBY NAMAN EH BADING………..PAAYOS KA NA LANG NG MATA DOKLESA……..HAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.