Dahil buntis ang misis Manyakis na kuya, ginahasa ang 6-taon gulang na kapatid

SWAK SA kulungan ang isang manyakis na mister matapos nitong gahasain ang sariling kapatid na anim na taong gulang na batang babae kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Rape sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na si Joselito Tanteo, 27, ng Caloocan.

Sinamahan naman ng kanilang magulang ang biktimang si ‘Nene’ sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa reklamo, dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima at ng suspek sa nasabing lugar.

Nabatid na himbing na natutulog si Nene sa loob ng silid nito nang bigla na lamang pasukin ng suspek at walang pakundangang ginahasa. Subalit lingid sa kaalaman nito, nakita ng kanyang isa pang kapatid na lalaki ang ginagawang kababuyan sa biktima.

Dito, agad na humingi ng tulong sa kanilang magulang ang kapatid ng biktima na naging dahilan ng pagkakadakip ng suspek.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ng suspek na buntis ang asawa nito kung kaya’t nagawa niyang gahasain ang sariling kapatid.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.