Dahil break na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca: Jolo Revilla, puwede nang umeksena!

NU’NG LUNES NG hapon daw nakipag-miting si Willie Revillame sa mga executive ng ABS-CBN at ang nakarating na balita ay tuloy pa rin daw ang kontrata ni Willie, pero binigyan daw ito ng indefinite leave.

As of presstime, sa Wowowee pa rin si Willie at maaaring bumalik ito mga buwan ng August o September.

Nasa Hongkong kami nang ipinarating sa amin ang balita at naloloka si Manay Lolit Solis dahil pati siya ay hinihingan ng pahayag tungkol sa isyu ni Willie sa ABS-CBN.

“Ano naman ang kinalaman ko diyan? Hindi naman ako ang manager ni Willie!” Tili ni Manay Lolit.

Gusto pa naman daw ni Willie na magpa-interview sa Startalk, pero mukhang malabo ito dahil halos katapat pa ito ng Wowowee at may kontrata pa ang kontrobersiyal na TV host sa ABS-CBN.

Ang isa pang nangyari sa meeting na ‘yun ay humingi raw ng apology si Willie sa ipinakitang asal nito sa Wowowee nu’ng gusto niyang ipatanggal si Jobert Sucaldito.

Tinanggap naman daw ng mga executives ng ABS-CBN ang hiningi niyang apology.

Maaaring magpahinga muna si Willie sa ngayon dahil gusto naman daw nitong harapin ang kanyang kalusugan at may sapat siyang panahon para makapag-isip kung babalik ba siya sa Wowowee o hindi.

Consistent na mataas ang ratings ng Wowowee magmula nang tumayong guest host si Robin Padilla.

Dapat hanggang sa Biyernes na lang si Robin, pero mukhang pinapakiusapan pa itong mag-extend. Hindi pa masagot ng aktor sa ngayon dahil abala naman siya sa shooting. Pero nag-i-enjoy naman daw si Robin sa paghu-host sa Wowowee, kaya malay natin, baka ituluy-tuloy na niya ito.

Maayos naman daw na nag-usap sina Willie at Robin tungkol sa pansamantalang pagpalit ng huli.

Ang latest na narinig namin ay may inaayos din na show ang ABS-CBN kay Robin, kaya mukhang tuluy-tuloy na ang pagbalik niya bilang Kapamilya talent.

HINDI NA MUNA nagbigay ng sagot si Jolo Revilla tungkol sa isyu nila ni Melissa Ricks dahil masyado pa raw maaga.

Naging close lang daw silang magkaibigan dahil loveteam sila sa Agimat at masusundan pa ito sa Noah. Pero sa isyung ligawan ay tahimik pa ang young actor.

Napabalitang madalas silang nakikitang magkasama pero hindi naman daw silang dalawa lang, kundi grupo raw sila.

Ang latest na narinig namin, break na sina Melissa at Jake Cuenca kaya puwedeng-puwede na si Jolo. Pero sa ngayon ay magkaibigan pa lang daw sila.

Close daw si Mellisa sa kanya at hindi naman malayong magkadebelopan sila. Pero hindi naman daw pinipilit ni Jolo ang ka-loveteam dahil kabi-break lang nga nito kay Jake.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “Dahil break na sina Melissa Ricks at Jake Cuenca: Jolo Revilla, puwede nang umeksena!

  1. Ano ba naman yang ABS CBN na yan! pag hinayaan nyo pa yang si willie na bumalik, e maniniwala na ako na, pera pera lang, kahit na yurakan ang inyong pagkatao, e payag kayo basta may kitang milyon milyon! binastos na nga kayo ng mayabang na yan on air, tapos kukupkupin nyo na naman ulit! ilang beses ba kayo dapat gaguhin ng hambog na yan bago kayo magising, ha? ABS CBN? Sir Gabby, papayag ka bang ganun ganunin na lang ni hambog ang iyong istasyon?? “Bakit sila lang ba ang channel”, yun pa lang nakakabastos na eh, ang yabang ng asta! tapos sasabihin pa nya na dahil sa wowowee, nagkakasakit sya! e pano nya hindi gagawin yun e milyon milyon ang kita nya sa isang araw, helloww!!!! sabi nga ni Ted Failon, “HOY GISING?”

  2. sana nga mapakiusapan si robin na huwag muna syang umalis ng wowowee.

    simula ng siya ang maging guest host consistent talaga na nalalaman ng wowowee ang eat bulaga.

    may balita kasi na baka si cesar montano ang papalit kay binow, nakaka alarma na baka hindi maging ganun din ang resulta ng rating.

    sana maayos nila sched ni robin para ma accommodate nya ang hosting sa wowowee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.