DAHIL BREAK NA SA ASAWA: Pulang buhok ni Cristine Reyes, protesta kay Ali Khatibi?

Cristine Reyes

LAST MONDAY ay nakabalik na si Cristine Reyes mula sa shooting nila ni Xian Lim ng pelikulang Untrue kung saan almost a month din sila nagstay sa Tbilisi sa bansang Georgia na dating sakop ng USSR para buuhin ang kakaibang kuwentong pag-ibig for movie na produced ng Viva Films.

Ang pulang hair ni Cristine ay hindi pala para sa bagong pelikula niyang aksyon na Maria na yesterday, Wednesday ay nagkaroon ng media conference.

Ang akala nga ng mga media ay isang protesta sa nangyaring hiwalayan nila ng asawa na MMA fighter na si Ali Khatibi kung saan mayroon silang anak na si Amarah.

Ang red hair ni Cristine ay para sa movie nila ni Xian.

Cristine Reyes as Maria

Sa pelikulang Maria ni Direk Pedring A. Lopez, isang dating assassin si Cristine na hina-hunting ng kapwa niya tirador (played by Jennifer Lee) dahil umalis ito sa grupo nila na mga sindikato.

“Kasi if you entered the syndicate, habang buhay ka na sa kanila. You can’t leave. Syempre may fear sila na baka ma-expose ng mga dating kasamahan nila na umaalis sa grupo,” kuwento niya. Kumbaga, if you leave, you die. Ganun kasimple ang principle ng mga nasa syndicate na kinabibilangan ni Cristine.

Bilib si Direk Pedring sa aktres dahil almost 90% ng mga action scenes niya ay siya  mismo ang gumawa at hindi ito  nagpa-double sa mga eksena.

“It’s definetly the most challenging  thing I’ve done in my career. I’m proud of it…”

MARIA cast members Jennifer Lee, Cristine Reyes and Ronnie Lazaro

Kilala ang aktres sa mga pelikulang sexy drama at sexy comedy pero this time, for a change sa showbiz career niya when she was offered the role, nagustuhan niya kaagad.

“For a change, iba naman. Nag-training talaga kami ng mga artista na may mga action scenes para makatotohanan.

“Ang peg ko si Angelina Jollie,” na ngingiting sabi niya

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.