DAHIL AYAW NA NIYA? Empress Schuck, nagbalak magquit sa showbiz!

Empress Schuck

HINDI LINGID sa kaalaman ng mga kaibigan ni Empress Schuck na dumating sa point ng buhay niya na gusto na niya mag-quit sa showbiz.

Pakiwari niya, bored na siya sa pagsusumikap sa antas na gusto niyang marating sa kanyang showbiz career,

Dumating ang feeling na ganito sa aktres nang mabuntis siya nang wala sa plano sa baby niya na si Athalia three years ago sa boyfriend na si Vino Guingona.

Aminado si Empress na may kulang. “Hindi na po ako happy,” sabi ni Empress nang makausap naming siya sa media conference ng pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” na isa sa rason ng feeling pagod niya ay dahil since she was seven years old ay nagta-trabaho na siya bilang artista at commercial model.

Nasagad na rin marahil siya sa kaliwa’t kanan na responsibiliad bilang artista na hindi na niya na-enjoy ang growing up stage bilang bata para makapaglaro, may mga barkada dahil sa commitment niya bilang artista.

Kaya nga nang ma-inlove siya sa boyfriend na si Vino at pumasok sa unplanned stage ng buhay niya at nagbuntis na wala sa schedule ay doon niya nakita ang kaligayahan na hanap niya.

Empress Schuck with daughter Athalia

After giving birth ay sinabihan siya ng kanyang manager na kung gusto niya bumalik sa pag-arte ay subukan niya magbalik showbiz. Nang mabuntis kasi si Empress, she told her manager Becky Aguila na ayaw na niya mag-showbiz pero nang sinubukan niya na magbalik pag-arte via the film Goyo ni Paulo Avelino, sunod-sunod na ang mga offers sa kanya.

With her latest film with Direk Bona Fajardo together with Daniel Matsunaga (as her love interest in her latest film) ay nawala na sa isip ng aktres na huminto sa showbiz at maging full-time mom.

Empress Schuck

“Pero hands-on mom ako kay Athalia. Ako mismo ang nagaalaga. At night, I wake up to check kapag umiiyak siya at night. No yaya ever since I decided to be a mom,” kuwento ni Empress.

Sa Wednesday, Decemeber 5 na ang showing ng latest movie ni Empress with Kristel Fulgar and Andrea Brillantes. Sa pelikula, Empress plays the role of Joey na isang designer.

Kasama sa cast sina Neil Coleta, Desiree del Valle at Allan Paule. Kahit Ayaw Mo Na is produced by Viva Films, BluArt Production, Spark Samar and Saga Prefecture Film Commission

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.