Dahil ayaw makipagbalikan ng ka-live-in
Ama, hinostage ang pamilya

SUMUKO NA ang padre de pamilya na nang-hostage ng kanyang live-in partner at dalawang anak sa Phase 2, Bagong Silang, Caloocan City.

Bago mag-alas-3:00 kahapon ng hapon nang sumuko na sa Caloocan City Police ang suspek na si Gerry De Leon ma-tapos ang higit limang oras na pakikipag-negosasyon.

Binihag ng suspek ang partner nitong si Rebelyn Degado at ang mga anak na may edad 5 at 7 sa loob ng kani-lang bahay. Kalaunan, pinalabas ni De Leon ang dalawang bata at naiwan sa loob ang kinakasama.

Sinabi ni Degado na nakiusap na lamang siya sa suspek na sumuko na ito at hindi siya ipakukulong.

Una nang iniulat na nag-away sina De Leon at Degado kahapon ng umaga na nauwi sa hostage-taking.

Naawa aniya ang suspek sa dalawang anak kaya pinalabas ang mga ito.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.