Dagdag-singil sa OFW, tinutulan

TAHASANG TINUTULAN ng mga grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan ang panukalang dagdag na $50 na bayarin ng mga paalis na OFW.

Ayon kay John Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, nakapaloob sa panukala ni Manila Rep. Trisha Bonoan-David na amyendahan ang Republic Act (RA) 10022 o Migrant Workers Act of 2010 at ilakip ang paniningil ng $50 sa mga papaalis na OFW na idadagdag umano sa emergency repatriation fund ng gobyerno.

Tinawag ni Monterona na isang anti-OFW ang hakbang na ito dahil sa dagdag-pahirap umano ito sa mga Pinoy na naghihirap na makaraos sa gastusin makahanap lamang ng trabaho sa ibang bansa.

Sa halip aniya na itulak nito ang dagdag na bayarin, hinamon ng mga OFW ang kongresista na boluntar-yong ilaan ang bahagi ng kanyang pork barrel fund sa trust fund ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “Dagdag-singil sa OFW, tinutulan

  1. congresswowan masyado ka naman gahaman sa pera..putya ka akala mo madali ang buhay sa ibang bansa..ilang buhay na ba ang napalabas sa pelikula kung anong klase ang buhay ng mga ofw sa ibang bansa..bakit hindi mo subukan mag api sa ibang lahi masipa ng ibang lahi,maapi ng ibang lahi kapali lamang na miaraos ang buhay ng pamilya sa pilipinas..Congresswowan isa sa klase ng BULOK na gobyerno dapat sayo balatan ng buhay ipagulong sa asin tapos itapon sa kumukulong mantika leche..BITCH!!!

  2. Ano ba yan, wala na nga kaming nakukuhang benepisyo, dagdag pasakit na naman para sa amin mga OFW, na di nga ninyo alam kung maganda ba ang buhay at magiging maganda pa ang buhay sakaling lumayo sa aming mga mahal sa buhay dahil sa pakikipag sapalaran.  Sana naman bigyan ninyo kami ng pansin hindi yung puro pagkaka perahan na lang ang laging nasa sa isip ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published.