Dagdag-singil sa Enero, tinapyasan ng Meralco

TINAPYASAN NG Manila Electric Company (Meralco) ang dagdag-singil para sa Enero.

Kahapon, inanunsyo ng distribution utility na P0.45 kada kilowatt hour (kWh) na lamang ang ihihirit nilang maipataw na dagdag-singil sa mga konsyumer.

Ito ay malapit sa kwenta ng Energy Regulatory Commission (ERC) na wala pang P0.50/kWh.

Una nang inihirit ng kumpaniya ang lagpas P4/kWh na pagtaas sa generation charge o kabuuang P5.33/kWh kasama ang ibang charges.

Nagbago ito matapos ideklara ng ERC ang “market failure” o maling presyuhan ng kuryente noong Nobyembre at Disyembre sa kasagsagan ng maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.

Sinabi ng Meralco na bumaba ang Wholesale Electricity Spot Market (WESM) rates noong Disyembre sa P8.33/kWh mula sa P36/kWh kaya malaki ang nabawas sa hirit na umento sa January bill.

Kumpara sa kalkulasyon ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC), mas mababa rin ang recalculated rate hike ng Meralco.

Bukas ang distribution utility na utay-utayin ang P0.45/kWh dagdag-singil sa loob ng anim na buwan.

Ihahain pa rin nila ito sa ERC bago tuluyang ipasa sa mga konsyumer.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.