Dagdag-singil ng Meralco, maaaring pumalo sa P8/kWh

MAY POSIBILIDAD na umabot sa mahigit P8 kada kilowatt hour (kWh) ang ipataw na taas-singil ng Manila Electric Company (Meralco) oras na matapos na ang 60-araw na temporary restraining order (TRO) ng Suprema Court (SC).

Ito’y dahil bukod sa pinigil na P4.15/kWh na dagdag-singil noong Disyembre, kusang ipinagpaliban ng Meralco ang isa pang big-time power rate hike na umaabot sa P4.10/kwh ngayong Enero.

Nagdesisyon ang Meralco na ipako sa November at December levels ang ipinapasang generation charge.

Dahil dito, inihirit na ng National Association of Electricity Consumers for Reform (NASECORE) sa Korte Suprema na ipa-audit sa Commission on Audit (COA) ang awtomatikong pangongolekta ng generation charge ng Meralco mula taong 2004.

Sinabi naman ng Meralco na nabubusisi naman ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang lahat ng ipinapasa nila ilang buwan matapos itong masingil sa publiko.

Samantala, kamakailan ay muli namang umarangkada ang kilos-protesta kontra sa taas-singil sa kuryente sa pangunguna ng Gabriela.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.