Dagdag sahod sa Undas

NILINAW NI Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang usapin sa pay rules para sa mga manggagawang magtatrabaho sa Nobyembre 1 (special non-working day), Araw ng mga Patay, at sa Nobyembre 2 (Araw ng mga Kaluluwa) bilang karagdagang special day. Sinabi niyang karapatan ng mga ito na tumanggap ng karagdagang 30 porsiyento sa arawang bayad sa unang walong oras ng trabaho.

Sinabi pa ni Baldoz na ito ay alinsunod sa Proclamation No. 459, Series of 2012, ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nagdedeklara na Regular Holidays, Special (Non- Working) Days, at Special Holiday (sa lahat ng paaralan) ngayong 2013.

Samantala, ayon pa kay Baldoz, kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ipa-tutupad ang polisiyang “no work, no pay”, maliban na lang kung may paborableng polisiya ang kumpanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.