Dagdag-Sahod, Hirit sa Labor Day

DAGDAG NA sahod pa rin ang pangunahing hirit ng iba’t ibang labor groups sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Pangungunahan ng grupong Action Against Contractualization and Towards Significant Wage Increase Now (ACT2WIN) ang pagkilos sa Abril 29 sa Mendiola, Maynila o dalawang araw bago ang paggunita sa International Labor Day.

Sinabi ni Sonny Matula, Presidente ng Federation of Free Workers at miyembro ng grupong ACT2WIN na kakalampagin nila si Pangulong Benigno ‘ Noynoy’ Aquino III bago pa man ang Labor Day.

Samantala, bukod sa umento sa sahod, nais din ng mga labor group na ibasura na ang contractualization, itigil ang panggigipit sa mga trade union at ibasura rin ang mga planong isapribado ang mga government hospital.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.