Dagdag sa GSIS Pension, Kasado na sa 2013

NAKAHANDA NANG ipatupad simula Enero 2013 ng Government Service Insurance System (GSIS) ang ipinangakong dagdag sa minimum pension.

Kasalukuyang kinumpirma ni GSIS General Manager Robert Vergara na simula sa susunod ng taon, magiging P5,000 na ang matatanggap ng mga senior citizen at disabilty pensioners.

Dagdag P200 naman kada buwan para sa mga tumatanggap ng higit sa P5,000 pero hindi lalampas sa P8,000 na kada-buwang pension.

Bukod pa rito ang taunang 1.5 porsiyentong pagtaas sang-ayon na rin sa Board Resolution 229 noong Disyembre, 2009.

Bagama’t mararamdaman lamang ng mga pensioner na may P8,000 pataas kada buwan base sa taunang 1.5% increase.

Samantala, tinatayang 57,000 pensioners ang mapapabilang sa bagong minimum pension at aabot naman sa 50,000 ang makikinabang sa dagdag P200 sa buwanang pensyon sa susunod na taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.