Dagdag-Pasahe sa MRT at LRT, P6 na Lang

ANIM NA piso na lamang ang target na idagdag sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT). Ayon ito sa ibinabang ulat ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Sa pagdinig ng Senate Finance Sub-Committee sa 2013 budget para sa kagawaran, ipinarating ni DOTC Sec. Joseph Abaya na P6 na lamang imbis na P10 ang idadagdag na pasahe sa mga tren. Resulta aniya ito ng P900 milyong kabawasan sa national government subsidy sa operasyon MRT at LRT.

Target na ipatupad ang pagtaas ng pasahe sa susunod na taon ngunit kailangan muna raw maisaayos ang mga escalator at elevator, ticket machines at coaches.

Aminado rin si Abaya sa pagdinig sa Senado na noong nakaraang 4 na araw na bakasyon, maraming natuklasang problema sa mga tren ng MRT at LRT.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.