Dagdag-pasahe sa jeep, simula ngayon

 

APRUBADO NA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P.50 dagdag sa pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Sinabi ni Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB na mula sa P8.00, magiging P8.50 na ang pamasahe sa jeep para sa unang limang kilometro at wala nang dagdag sa mga susunod na kilometro.

Epektibo ang provisional fare increase simula nga-yong araw ng Miyerkules.

Hindi naman kasama ang Region 12 sa P.50 sentimong taas sa pamasahe, pahayag ni Iway.

Ang desisyon ng LTFRB na itaas ang pamasahe sa jeep ay sa harap na rin ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.