Dagdag pasahe sa jeep, ikinasa

DADAGDAGAN NA ng P0.50 ang pasahe sa jeep simula sa susunod na linggo kahit hindi pa ito pinahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi ni Orlando Marquez, pangulo ng Philippine Jeepney Operators & Drivers Alliance Foundation, Inc (PJODAF) na noong 2012 ay pumayag silang ibaba sa P8 ang pasahe sa jeepney kahit walang kaukulang dokumento.

Ito ay sinagot naman ng LTFRB na nagsasabing nagkaroon ng konsultasyon bago ibinaba ang pamasahe noon.

Nagbabala naman ito na papatawan ng multa o posibleng makansela ang prangkisa kapag itinuloy ang P8.50 singil sa biyahe ng pampasaherong jeep.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.