Dagdag na Personnel, Itinalaga ng BIR Para sa Tax Deadline

NAGTALAGA NG dagdag na personnel ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa iba’t ibang regional offices nationwide upang ma-accomodate ang libu-libong tax payers na maghahabol sa paghain ng kanilang income tax returns ngayong araw, Lunes April 15 na siyang itinakdang deadline ng ahensya.

Sinabi ni ni BIR Commissioner Kim Henares na hindi nila i-extend ang deadline sa paghain ng ITRs.

Giit ni Henares na pagkatapos ng April 15 deadline, ang mga taxpayers na maghahain ng kanilang ITRs ay papatawan na ng 20% interest yearly, 25% surcharge at compromise fee.

Samantala, muling pina-aalalahanan ng BIR ang publiko partikular ang taxpayers na huwag balewalain ang kanilang obligasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.