Dagdag na 50K pulis, aprub sa palasyo

SUPORTADO NG PALASYO ang inianunsyo ni PNP Chief Nicanor Bartolome na kukuha sila ng karagdagang 50,000 bagong pulis.

Una ng sinabi ni Bartolome na kulang na kulang pa rin ang police force kahit papasok na ang nasa 6,000 bagong recruits.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nagsasabi na hindi pa rin nagbabago ang police ratio sa binabantayang populasyon simula noong 1986.

bagama’t may limitasyon sa budget, ginagawan ng paraan para mapunan ang pagukulang ng mga pulis, ani Valte.

Pinapaigting din umano ang training ng mga pulis para maging mas epektibo sa kanilang mga trabaho.

“Yes, nakikita. If you–especially for our friends in the press corps, lagi ninyong naririnig ang Pangulong Aquino na sinasabi ito: na noong 1986 ganito po karami ang kapulisan natin, ganito po karami iyong ating populasyon. Ngayon hong 2011 ganito ho karami ang pulis, hindi ho nagpalit, ito na ho iyong bilang noong ating populasyon. So obviously mayroon naman pong disparity. Mayroon po kasing ideal proportion iyan na ang isang pulis binabantayan ganito karaming katao. That is something that we need to address moving forward,” dagdag pa ni Valte. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.