Dagdag allowance ng mga parak at sundalo, inirekomenda

PARA MAGKAROON ng disenteng pamumuhay at sapat na gastusin sa araw-araw, inirekomenda na dagdagan ang kasalukuyang P90 kada araw na subsistence allowance ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines at gawin itong P150.

Sinabi ng may-akdang sina Magdalo partylist Reps. Ashley Acedillo at Gary Alejano, ang naturang panukala ang nilalaman ng House Joint Resolution 11 na humihiling na dagdagan ang daily subsistence allowance ng mga opisyal, enlisted personnel, candidate soldiers, probationary second lieutenants, Cadets at Civilian Active Auxiliaries (CAA) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at lahat ng commissioned at non-commissioned personnel ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Peno¬logy (BJMP) at Philippine National Police Academy (PNPA) cadets.

Ang kasalukuyang P90 subsistence allowance kada araw ayon ay napakaliit para suportahan ang pang-araw-araw na pa¬ngangailangan ng kanilang mga pamilya dahil ayon sa National Statistics Office (NSO), ang buwanang gastos ng isang pamilyang may limang miyembro ay nasa P13,200 na hindi aabot kung pagbabasehan ang kasalukuyang kita ng mga ordinaryong pulis at sundalo.

Inihayag naman ni Alejano na ang idadagdag na halaga ay huhugutin sa savings ng Department of National Defense (DND), Department of Transportation and Communications (DOTC) at DILG.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.