Dagat, Umapaw sa LPA; 1 Patay

ISANG KATAO ang naitalang nasawi sa pagtaas ng tubig-baha nang makaapekto ang Low Pressure Area o sama ng panahon sa Sarangani Province.

Ayon kay Glan Mayor Victor James Yap Sr., tatlong barangay ang inulan sa bayan ng Glan dahilan para masalanta ang mga residenteng malapit sa baybayin.

Dagdag pa ni Yap, pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng hindi pa nakikilalang biktima.

As of press time kahapon, hindi na madaanan ang tulay ng Pangyan matapos umapaw ang tubig at mino-monitor naman ng Quick response team ang nasabing bayan.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang Big Margus, Cruz, Small Margus, Pangyan.

Sinabi rin ng alkalde na magsisilbi munang evacuation center ang mga burol habang naghahanap pa ng lugar na paglalagyan sa iba pang mga residente.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.