DADDY LLOYDIE NAGSHOPPING PARA SA “BABY” NILA NI ELLEN

John Lloyd Cruz at SM Cebu

MULA nang namaalam saglit si John Lloyd Cruz sa showbiz, naging mailap na ito sa media.

Sa tsismis na buntis ang girlfriend na si Ellen Adarna noon ay walang kumpirmasyon mula sa actor or sa kampo nila sa tunay na estado na sa mga stolen shots lang ng mga netizen ay makikita mo na malaki na ang tiyan ng sexy actress.

Hindi ko batid kung bakit ayaw ipagmalaki nin Lloydie at Ellen ang blessing na ito. Pero nirespeto ko yun. Happy ako para kay Lloydie.

Viral na balita na nanganak na raw si Ellen recently, wala pa rin kumpirmasyon mula sa dalawa.

John Lloyd Cruz at SM Cebu

Lahat puro haka-haka na walang direct confirmation.  Nanganak na ba? Nabinyagan na ba ang bata? Ano ba talaga?

Pero ang picture na nakita namin sa Instagram account ni @ellen_johnlloyd na mayroon 34.8 K followers, nag-shopping ang aktor ng mga gamit para sa bata sa SM Cebu.

John Lloyd Cruz at SM Cebu

Walang masyadong detalye na kalakip ang mga photos.

Kayo na mag-conclude kung bakit nagsa-shopping sa infant section ang aktor.

Congratulations kay Lloydie at Ellen.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.