Dadalo sa Christmas party Grade 4 student, dinukot; Ama, patay

PIGHATI ANG KAKAHARAPING Pasko ng isang pamilya sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato matapos na dukutin ang 8-taong gulang na batang babae habang namatay naman ang ama nito nang tangkaing sagipin ang anak kahapon ng umaga.

Sa text message ni Maj. Gen. Arthur Tabaquero, commander ng AFP-Eastern Mindanao Command sa miyembro ng Defense Press Corps sa Camp Aguinaldo, dinukot ng umano’y miyembro ng Pentagon Kidnapping Group si Kriselda “KC” Tamayo sa National Highway ng nasabing bayan.
Patay naman ang ama nito na si Allan makaraang barilin ng mga salarin.

Sinasabing lulan ang mga biktima ng motorsiklo na minamaneho ni Allan patungo sa Christmas Party nang harangin ng mga armadong lalaki na sakay naman ng isang kotse na may plakang MAD 808.

Samantala, naisugod pa sa ospital ang nakatatandang Tamayo ,subalit naging matindi umano ang tama ng bala na tumagos hanggang kidney.

Una nang napaulat na nabawi ang bata subalit bandang ala-1:00 ng hapon kahapon, sinabi ni Tabaquero na nanatiling hawak ng mga suspek si KC.

(Eunice Calma)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.